Rob Sy, mariing itinanggi ang alegasyon ng bullying laban sa anak

Rob Sy, mariing itinanggi ang alegasyon ng bullying laban sa anak

  • Naglabas ng opisyal na pahayag si Rob Sy kaugnay ng viral bullying issue, kung saan mariin niyang itinanggi ang alegasyon laban sa kaniyang anak at binigyang-diin na ang mga paratang ay walang sapat na ebidensya ayon sa resolusyon ng City Prosecutor’s Office of Manila
  • Ayon kay Sy, malinaw sa 10-pahinang public document ng piskal na ang mga alegasyon ay nakabatay lamang sa speculation o haka-haka, at sa ilalim ng batas, ang hinala ay hindi maaaring gawing ebidensya upang ituloy ang kaso sa korte
  • Dagdag pa niya, sa halip na ang kaniyang anak ang bully, lumabas sa ebidensya na ito mismo ang naging biktima ng mas nakatatanda, ngunit sa kabila nito ay pinairal pa rin nila ang kapatawaran at pinili ang katahimikan para sa kapakanan ng kanilang pamilya
  • Nanawagan si Sy na huwag manaig ang trial by publicity at maling naratibo sa social media, at pinaalalahanan ang publiko na ang public office ay isang public trust na dapat magsilbing huwaran ng paggalang sa batas at karapatan ng mga ordinaryong pamilya

Read also

Kaye Abad, ibinahagi ang buong journey matapos maging cancer survivor

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng opisyal na pahayag si Rob Sy kaugnay ng kontrobersyal na bullying issue na muling naging usapan sa social media. Sa kaniyang mensahe, mariin niyang itinanggi ang alegasyon laban sa kaniyang anak at binigyang-diin na ang mga paratang ay walang sapat na ebidensya.

Rob Sy, mariing itinanggi ang alegasyon ng bullying laban sa anak
Rob Sy, mariing itinanggi ang alegasyon ng bullying laban sa anak (📷Rob Sy/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Sy, malinaw sa 10-pahinang resolusyon ng City Prosecutor’s Office of Manila na ang mga alegasyon ay nakabatay lamang sa speculation o haka-haka. “Ang hinala ay hindi ebidensya,” ani Sy, sabay paalala na ang akusasyon ay hindi kailanman magiging kapalit ng tunay na ebidensya kahit pa ulit-ulit itong sinasabi sa media.

Mariin din niyang itinanggi ang alegasyon ng umano’y paulit-ulit na bullying. “Nais po naming linawin na ang aming anak ay HINDI bully,” ani Sy. Dagdag pa niya, lumabas sa ebidensya na ang kanilang anak mismo ang naging biktima ng mas nakatatanda, ngunit sa kabila nito ay pinairal pa rin nila ang kapatawaran.

Read also

Plot twist: Benny Lagata, umamin na hindi pa kasal

Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin ni Sy na hindi nila hahayaan na manaig ang trial by publicity o ang pagpapakalat ng maling naratibo sa social media laban sa kanilang pamilya. “Kung kailangan na kami ay imbitahan ng sino man na nais hingan kami ng reaksyon para magsalita ng direkta sa mga nangyari, kami ay handang magsalita sa larangan ng katotohanan,” dagdag niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nanawagan din si Sy sa mga opisyal ng gobyerno na huwag gawing pribilehiyo ang kanilang posisyon para sa pansariling kapakinabangan. “Public office is a public trust,” ani niya, sabay paalala na ang mga halal na opisyal ay inaasahang maging huwaran ng paggalang sa batas at sa karapatan ng mga ordinaryong pamilya, lalo na ng mga kababaihan at mga bata.

Sa huli, sinabi ni Sy na nananatili silang kalmado at kampante sapagkat nasa kanilang panig ang opisyal na dokumento, clinical validation, at higit sa lahat ang katotohanan. “Ang prayoridad namin ay ang kapakanan, katahimikan, at paghilom ng aming anak,” ani niya.

Si Rob Sy ay kilalang actor-comedian na aktibo rin sa social media. Sa mga nakaraang buwan, naging sentro siya ng kontrobersya kaugnay ng bullying complaint na isinampa laban sa kaniyang pamilya. Gayunpaman, sa resolusyon ng City Prosecutor’s Office of Manila, ibinasura ang reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Read also

Kaye Abad, emosyonal na ibinahagi ang sikreto sa ina tungkol sa breast cancer

Kamakailan, iniulat ng Kami.com.ph na ang complaint na isinampa ni Alfred Vargas laban kay Rob Sy ay dinismiss ng korte. Sa ulat, ipinaliwanag na walang sapat na batayan ang reklamo upang umusad, bagay na nagbigay ng panibagong linaw sa isyu.

Samantala, nagsalita rin si Alfred Vargas matapos ang dismissal ng complaint laban kay Rob Sy. Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin niya ang kaniyang panig at nanindigan sa kaniyang karapatan na maghain ng reklamo, kahit pa ito ay ibinasura ng korte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate