Jake Cuenca ibinahagi ang love story nila ni Rabiya Mateo at opisyal nang inamin ang relasyon

Jake Cuenca ibinahagi ang love story nila ni Rabiya Mateo at opisyal nang inamin ang relasyon

  • Jake Cuenca opisyal na inamin sa publiko na sila na ni Rabiya Mateo, matapos ang ilang buwan ng usap-usapan at sightings
  • Ikinuwento ng aktor na nagsimula ang kanilang love story sa social media, nang magsimulang mag-like at mag-DM siya kay Rabiya
  • Sa Hong Kong Disneyland, tinanggap ni Rabiya ang acceptance message sa medical school at doon din siya tinanong ni Jake na maging girlfriend
  • Jake ipinahayag ang kanyang pagmamalaki kay Rabiya, at sinabing nakikita niya ang purpose at posibleng future kasama ang beauty queen

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Opisyal nang inamin ni Jake Cuenca na siya at si Rabiya Mateo ay nasa isang relasyon. Sa panayam sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, buong pagmamalaki niyang sinabi: “Kami na. Really, really proud to say it. She's an amazing woman. Incredible woman.”

Jake Cuenca ibinahagi ang love story nila ni Rabiya Mateo at opisyal nang inamin ang relasyon
Jake Cuenca ibinahagi ang love story nila ni Rabiya Mateo at opisyal nang inamin ang relasyon (📸Jake Cuenca/Facebook)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Jake na matagal na niyang hinahangaan si Rabiya, at nagsimula ang kanilang love story sa social media. “Sabi ko, how else magko-cross 'yung paths namin? We're two different networks,” ani Jake. Nagsimula raw siya sa pag-like ng mga posts ni Rabiya, sinundan ng pag-follow, at kalaunan ay nagpadala ng direct message.

Read also

Apple David, pumalag sa mga kritiko matapos ilantad ang relasyon kay Chad Gammad

Ayon sa aktor, isa sa mga bagay na pinakagusto niya kay Rabiya ay ang dedikasyon nito, lalo na ngayong pansamantalang nag-pause ang beauty queen sa showbiz upang mag-aral sa University of Santo Tomas Medical School. “I'm truly proud of her,” dagdag pa ni Jake.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanilang trip sa Hong Kong Disneyland, natanggap ni Rabiya ang acceptance message mula sa medical school. Doon din tinanong ni Jake si Rabiya na maging girlfriend niya. “We've been dating for three months and then finally, I asked her to be my girlfriend officially,” kwento ng aktor.

Ipinahayag din ni Jake na kakaiba ang relasyon nila kumpara sa mga nakaraan niyang karanasan. “Before I would date or be in a relationship and say let's see where this goes… I never used to date a woman with purpose. And for me with her, I have a purpose,” aniya.

Dagdag pa niya, sinisikap niyang maging isang responsableng boyfriend, at ipinangako ang loyalty at respeto. Hindi man niya gustong magbigay ng spoiler, sinabi ni Jake na nakikita niya ang posibilidad ng kasal sa kanilang relasyon. “I don't wanna spoil it, ayokong magsalita nang ganun, but definitely with her, I can really see it.”

Read also

Marc Logan, nagbigay ng reaksiyon sa panawagang protektahan ang hosts ng It’s Showtime

Si Jake Cuenca ay isa sa mga kilalang aktor sa bansa na matagal nang nasa industriya ng showbiz. Kilala siya sa kanyang versatility sa mga teleserye at pelikula. Samantala, si Rabiya Mateo ay Miss Universe Philippines 2020 at naging kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant. Bago ang kanilang relasyon, si Jake ay nakarelasyon ni Chie Filomeno, habang si Rabiya naman ay naging karelasyon ni Jeric Gonzales.

Kaugnay nito, iniulat ng Kami.com.ph ang masayang Disneyland moments nina Jake at Rabiya. Sa artikulong ito, ibinahagi rin ni Rabiya ang kanyang plano sa medical school, na nagbigay ng inspirasyon sa kanyang mga tagahanga.

Samantala, Kami.com.ph ay nag-ulat ng nakakakilig na mensahe ni Jake tungkol sa milestone ni Rabiya. Ipinakita ng aktor ang kanyang suporta at pagmamalaki sa bagong yugto ng buhay ng beauty queen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate