Dumbo ng It’s Showtime, nagsalita sa akusasyon ng pamamahiya

Dumbo ng It’s Showtime, nagsalita sa akusasyon ng pamamahiya

  • Ervin “Dumbo” Plaza ng It’s Showtime nagsalita sa TikTok matapos akusahan ng pamamahiya sa audience noong 2015
  • Isang netizen ang nagkomento na namamahiya umano siya sa mga audience na nagpapapicture sa mga artista sa Deal or No Deal studio
  • Dumbo agad na itinanggi ang akusasyon at ipinaliwanag na may mga studio rules na dapat sundin para sa kaligtasan ng lahat
  • Nagbigay siya ng paumanhin ngunit nilinaw na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho at hindi ito personal na pamamahiya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng pahayag si Ervin Plaza, mas kilala bilang Dumbo, audience coordinator ng It’s Showtime, matapos akusahan ng isang netizen na umano’y namamahiya siya ng audience noong 2015. Sa isang komento sa TikTok, sinabi ng netizen na naalala niya si Dumbo sa studio ng Deal or No Deal at umano’y pinapahiya ang mga audience kapag nagpapapicture sa mga artista.

Dumbo ng It’s Showtime, nagsalita sa akusasyon ng pamamahiya
Dumbo ng It’s Showtime, nagsalita sa akusasyon ng pamamahiya (📷@dumbolicious/IG)
Source: Instagram

Agad itong itinanggi ni Dumbo at nilinaw na hindi niya ugali ang mamahiya ng sinuman. “Ate grabe yung akusasyon mo ah, namamahiya. Unang-una, hindi po ako namamahiya baka napahiya ka lang kasi sinita ko yung audience or ikaw man yun or kung sino man yun,” ani Dumbo.

Read also

Precious Lara Quigaman, nagbahagi ng Mother’s Day reflection

Ipinaliwanag niya na may mga patakaran sa studio na dapat sundin ng lahat ng audience members. “Kasi may rules po sa studio, bago palang magsimula ang taping sinasabi po yan –– yung mga pwede at hindi pwedeng gawin. Pag meron kang ginawa na hindi pwedeng gawin, sisitahin ko po kayo. So, napahiya ka dahil sinita kita –– hindi mo nagawa yung gusto mong gawin sa artist,” dagdag pa niya.

Bagama’t iginiit niyang hindi niya intensyon na mamahiya, nagbigay pa rin siya ng paumanhin. “Pasensya ka na pero I’m just doing my job at hindi po pamamahiya yun. Napahiya lang kayo dahil nasita po kayo. Ganun po yun,” paliwanag ni Dumbo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huli, nagbigay siya ng paalala sa mga audience na maging maayos sa loob ng studio. “At tsaka, unang-una, wag kayong mag salita ng ganyan. Kung ginagawa niyo naman ng maayos pag nasa studio kayo. God bless po. Ingat kayo palagi,” pagtatapos niya.

Maraming netizens ang nagpakita ng suporta kay Dumbo sa comment section. May mga nagbahagi pa ng kanilang karanasan na mabait at maayos ang pakikitungo ng audience coordinator sa kanila.

Si Ervin “Dumbo” Plaza ay kilala bilang audience coordinator ng It’s Showtime. Isa siya sa mga taong responsable sa kaayusan ng studio at sa kaligtasan ng mga audience members. Kilala rin siya sa pagiging approachable at masayahin, kaya’t marami ang nagtatanggol sa kanya sa kabila ng mga akusasyon.

Read also

Bugoy Drilon, sinagot ang komentong “retokado” siya

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ng misis ni Dumbo ang nakakatawang karanasan nila sa bahay. Nawindang siya nang mauna pang matulog ang kanyang asawa kaysa sa kanilang baby. Ang kwento ay nagbigay ng aliw sa netizens. Basahin ang buong detalye dito.

Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, nahuli ni Vice Ganda si Dumbo na kinukunan ng video si Darren Espanto. Ang nakakatawang eksena ay agad na nag-viral at nagbigay ng good vibes sa mga manonood. Basahin ang buong kwento dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate