“Hindi ito simpleng away ng bata”: Alfred Vargas, nagsampa ng reklamo laban sa bullying

“Hindi ito simpleng away ng bata”: Alfred Vargas, nagsampa ng reklamo laban sa bullying

  • Nagsampa ng reklamo sina Alfred Vargas at asawa niyang si Yasmine laban sa magulang ng isang menor de edad na nambully sa kanilang anak
  • Ang reklamo ay isinampa sa Office of the City Prosecutor ng Manila para sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse Act
  • Ayon kay Vargas, paulit-ulit na binully ang kanilang anak sa swimming training, kabilang ang pagtulak at paghawak sa ilalim ng tubig
  • Nanindigan ang Vargas couple na hindi ito simpleng away ng bata at dapat managot ang mga magulang sa kapabayaan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nanindigan si Quezon City Councilor Alfred Vargas at ang kaniyang asawa, si Yasmine, laban sa bullying matapos nilang magsampa ng reklamo laban sa magulang ng isang menor de edad na nambully sa kanilang anak. Ang reklamo ay inihain nitong Lunes sa Office of the City Prosecutor ng Manila laban kina Juvelle Bacosa at Robert Vincent Sy, para sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Read also

DILG Sec Jonvic Remulla, humingi ng dispensa sa lalaking naghahalo lang ng semento na natiketan

“Hindi ito simpleng away ng bata”: Alfred Vargas, nagsampa ng reklamo laban sa bullying
“Hindi ito simpleng away ng bata”: Alfred Vargas, nagsampa ng reklamo laban sa bullying (📷Alfred Vargas/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa reklamo, paulit-ulit na binully ang anak ng Vargas couple sa swimming training sessions. Kabilang dito ang pagtulak at paghawak sa ilalim ng tubig, na nagdulot ng matinding takot at emosyonal na pinsala sa bata. “Mayroon pa ngang ginawa yung bully na hindi talaga appropriate at sobrang sakit sa kalooban namin. Kinadyot niya yung anak ko sa malaswang paraan at nung nakita ng misis ko at sinabi sa nanay, tinawanan pa ng nanay at sinabi, 'He's just dancing!',” ani Vargas.

Dagdag pa niya, tuwing nilalapit nila ang reklamo sa mga magulang ng bully ay tila binabalewala lamang sila. “Every time we go to the parents to try to resolve these issues, we were either dismissed or gaslighted,” aniya.

Umabot sa sukdulan ang sitwasyon noong Pebrero sa Rizal Memorial Sports Complex, kung saan personal na nakita ni Vargas at ng iba pang tao ang pagtulak ng bully sa kaniyang anak sa gilid ng pool bago magsimula ang kompetisyon. Dahil dito, muntik nang masaktan ang bata at nakaranas ng matinding takot.

Read also

Guro sa Laoag, pumanaw matapos mabangga ng motorsiklo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa halip na umaksyon, umano’y nagpakita pa ng kawalan ng malasakit ang ina ng bully at nagpatuloy pa sa pag-post ng maling impormasyon online. “Bilang ama, may isang bagay na hindi mo kayang tiisin: ang makita ang anak mo na inaapi,” ani Vargas.

Naniniwala ang Vargas couple na may pananagutan ang mga magulang sa ilalim ng Family Code na disiplinahin at gabayan ang kanilang anak. Ang kapabayaan umano ng mga magulang ay nagbigay-daan sa paulit-ulit na bullying na nagdulot ng psychological suffering sa kanilang anak.

“Bullying is not normal. It is not harmless. It is not acceptable. Maaari sanang maiwasan ang insidente na ito kung hindi napabayaan ang bata ng magulang. Kaya ngayon, pinili naming lumaban. Hindi para maghiganti kundi para manindigan para sa anak ko at para sa lahat ng batang natatakot magsalita,” dagdag pa ni Vargas.

Si Alfred Vargas ay kilalang aktor na naging public servant, at kasalukuyang councilor sa Quezon City. Bukod sa kaniyang trabaho sa politika, aktibo rin siya sa pagsusulong ng mga batas at programa para sa proteksyon ng mga bata. Sa mga nakaraang taon, nanawagan siya sa konseho na palakasin ang parental accountability sa mga kaso ng bullying at suportahan ang mas mahigpit na anti-bullying policies sa mga paaralan.

Read also

Relasyon ni Doc Manny sa isang vlogger, naging mitsa ng hiwalayan nila ni Dra. Pie

Alfred Vargas’ sweet revelation: Fell for wife Yasmine Espiritu at first sight Ibinahagi ni Alfred Vargas ang kaniyang matamis na kwento kung paano siya agad na nahulog sa kaniyang asawa, si Yasmine, noong una pa lang silang magkita. Ang kanilang love story ay nagbigay inspirasyon sa maraming netizens na naniniwala sa “love at first sight.”

Alfred Vargas, wife Yasmine throw vibrant birthday party for daughter Aurora Nagdiwang ng makulay na birthday party ang mag-asawang Alfred at Yasmine para sa kanilang anak na si Aurora. Ang selebrasyon ay puno ng kasiyahan at nagpakita ng pagiging hands-on ng mag-asawa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Ang mga kwentong ito ay nagpapakita ng personal na buhay ng Vargas couple, na ngayon ay mas lalong nakikita ang kanilang paninindigan bilang mga magulang sa gitna ng isang seryosong kaso ng bullying.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: