Ron Angeles, pormal nang nagsampa ng reklamo laban sa nasa likod ng kumalat na video
- Pormal nang nagsampa ng kaukulang reklamo ang aktor na si Ron Angeles laban sa mga indibidwal na responsable sa pagpapakalat ng kanyang pribadong video
- Sa tulong ng mga awtoridad ay matagumpay na natukoy ng House of Mentorque ang isang suspek na bahagi umano ng isang mas malaking organisadong grupo
- Nanindigan ang management ng aktor na hindi sila uurong hangga't hindi nabibigyan ng katarungan ang lahat ng biktima ng nasabing ilegal na operasyon
- Nagpaalala rin ang kampo ng aktor sa publiko na ang pagbabahagi at pagre-repost ng nasabing content ay isang krimen na may kaukulang parusa sa ilalim ng batas
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi na nanahimik ang kampo ng aktor na si Ron Angeles matapos ang pagkalat ng mga maseselang video na kinasasangkutan nito. Sa isang opisyal na pahayag na inilabas ng kanyang management company na House of Mentorque, kinumpirma nilang pormal na silang nagsampa ng reklamo laban sa mga nasa likod ng nasabing paninira.

Read also
Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation

Source: Facebook
Ayon sa pamunuan, hindi lamang ito simpleng insidente dahil nadiskubre nilang bahagi ang suspek ng isang mas malaki at organisadong network. Ang grupong ito ay sangkot umano sa ilegal na pagre-record, pamamahagi, at pagbebenta ng mga video ng iba't ibang biktima sa loob ng mahabang panahon. “Through coordination with authorities, we have uncovered that the individual involved is part of a larger, organized network engaged in the illegal recording, distribution, and exploitation of victims,” saad sa pahayag.
Mariing kinondena ng House of Mentorque ang ginagawang ito ng nasabing grupo na tinawag nilang isang grave at deeply disturbing criminal enterprise. Sa ngayon, determinado si Ron na ituloy ang kaso hanggang sa huli upang matiyak na mapapanagot ang lahat ng sangkot. “Ron Angeles has formally filed a complaint. We are fully committed to pursuing this case relentlessly until every individual involved is identified, held accountable, and brought to justice,” dagdag pa ng management.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Ron Angeles ay nakilala sa industriya bilang isang mahusay na aktor at modelo bago pa man pumutok ang usaping ito. Sa kabila ng pinagdadaanan, nanawagan ang kanyang kampo sa iba pang mga biktima na huwag matakot at lumabas upang makamit ang hustisya. Binigyang-diin din nila na ang pag-view, pag-share, at pakikibahagi sa transaksyon ng mga ilegal na content na ito ay isang punishable offense sa ilalim ng batas.
Samantala, bago pa man ang matapang na hakbang na ito, may mga nauna nang naging pahayag at kaganapan na may kaugnayan sa mga personalidad na nali-link sa usaping ito.
Ron Angeles, binasag ang katahimikan sa social media. Matapos ang ilang araw na pananahimik sa gitna ng mainit na usapin, nagparamdam ang aktor na si Ron Angeles sa kanyang mga followers. Sa kanyang naging post, ipinakita niya ang kanyang katatagan sa gitna ng pagsubok na kinakaharap. Maraming mga tagahanga at kapwa artista ang nag-abot ng suporta para sa kanya sa mahirap na panahong ito.
Arron Villaflor, nagsalita na tungkol sa kontrobersiyang nili-link sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa usap-usapan ang aktor na si Arron Villaflor matapos madamay ang kanyang pangalan sa ilang kontrobersya online. Agad namang nilinaw ng aktor ang kanyang panig upang itama ang mga maling impormasyong kumakalat. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagrespeto sa bawat isa lalo na pagdating sa mga sensitibong paksa sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

