Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation

Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation

  • Nagbigay ng libreng full tank ng gasolina si Sachzna Laparan sa mga drayber ng jeep, tricycle, at taxi sa isang istasyon sa Quezon City
  • Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang pagdiriwang matapos ang kanyang graduation at kagustuhang makatulong sa mga apektado ng fuel hike
  • Bukod sa libreng krudo ay nag-abot din ang vlogger ng pambayad ng boundary para sa mga maswerteng drayber na naroon
  • Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang social media personality sa isang lola na may apo na kasalukuyang nasa ospital

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa gitna ng patuloy na pasakit ng tumataas na presyo ng gasolina dulot ng gulo sa Middle East, isang magandang balita ang naghatid ng ngiti sa mga motorista. Ang social media personality na si Sachzna Laparan ay umani ng paghanga matapos niyang maghandog ng libreng gasolina at tulong pinansyal sa mga drayber na araw-araw na nakikipagsapalaran sa kalsada.

Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation
Sachzna Laparan, nag-abot ng tulong sa mga motorista bilang pasasalamat sa kanyang graduation (📷@sachzna/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang huling vlog, ipinakita ni Sachzna ang kanyang simpleng paraan ng "giving back." Hindi lamang ito isang ordinaryong content dahil ginawa niya ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang graduation. Ayon sa kanya, nais niyang gumaan kahit papaano ang pasanin ng mga kababayan nating direktang apektado ng krisis sa langis. “Bigla ko lang naisip na sobrang daming problema ng Pilipinas at gusto kong gumawa ng mabuti ngayong araw at kaga-graduate lang natin so gusto kong mag-give back,” paliwanag ng dalaga.

Read also

Isang drayber, ibinahagi ang kurot sa pusong resulta ng kanyang maghapong pamasada

Dahil ang pagtaas ng presyo ng krudo ang isa sa mga pangunahing suliranin ngayon, pinili ni Sachzna na tutukan ang mga taong ang kabuhayan ay nakasalalay sa pagmamaneho. “Ang gagawin natin ngayon ay ipapa-full tank natin ang kanilang mga sasakyan— jeep, tricycle, Grab, Lalamove, taxi. Basta ‘yung mga naghahanapbuhay. Kukunpletuhin natin ang kanilang araw ngayon. Ipapa-full tank natin sila,” aniya sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang mga drayber na natsambahan ni Sachzna sa isang gasolinahan sa Quezon City ay hindi lamang nakakuha ng libreng full tank. Marami sa kanila ang lalong natuwa dahil binigyan din sila ng vlogger ng perang pambayad sa kanilang daily boundary. Hindi rin nagtapos doon ang kanyang pagtulong dahil isang lola na may luhang ibinahagi ang kalagayan ng kanyang apo sa ospital ang nabigyan din ni Sachzna ng tulong pinansyal.

Sa huling bahagi ng kanyang video, hinimok ni Sachzna ang iba pang mga vloggers na gamitin ang kanilang platform para sa paggawa ng mabuti. “Masayang-masaya ako sa nagawa ko… Sana marami tayong natulungan at napasaya ngayong araw na ito… Hindi talaga madali ang magtrabaho lalo na sa ginagawa ng lahat ng drivers,” pagtatapos niya.

Bago ang kanyang viral na pagtulong, naging laman din ng balita si Sachzna dahil sa mga usapin tungkol sa kanyang pag-aaral at tagumpay sa buhay. Narito ang ilang mga kaugnay na ulat mula sa Kami.com.ph tungkol sa kanyang naging paglalakbay:

Read also

Trahedya sa Batangas: 47-anyos na ama, nasawi sa kamay ng sariling anak

Sa artikulong ito, ibinahagi ang tagumpay ni Sachzna matapos siyang opisyal na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa kabila ng mga negatibong komento mula sa ibang netizens tungkol sa kanyang academic journey, nanatili siyang matatag at ipinagmalaki ang kanyang diploma. Ang tagumpay na ito ang naging inspirasyon niya para maglunsad ng mga proyektong makakatulong sa kapwa.

Nagbigay naman ng kanyang saloobin ang social media personality na si Xian Gaza tungkol sa isyung bumalot sa graduation ni Sachzna. Tinalakay sa ulat na ito ang iba't ibang pananaw ng mga tao sa online world patungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng vlogger habang tinatapos ang kanyang kurso. Sa huli, nanatiling tikom ang bibig ng marami dahil sa mga positibong aksyon na ginagawa ngayon ni Sachzna para sa komunidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate