Nadia Montenegro, nagsalita na tungkol sa naging isyu sa loob ng Senado
- Pormal nang kinumpirma ni Nadia Montenegro ang kanyang pag-usad mula sa kontrobersyal na paratang ng paggamit ng maríjuana sa loob ng Senado
- Inaprubahan na ng prosecutor’s office sa Pasay City ang pagsasampa ng kasong unjust vexation at paglabag sa Safe Spaces Act laban sa isang security personnel
- Nilinaw ng kampo ng aktres na ang nakuha sa kanyang bag ay isang grape-flavored vape lamang at hindi maríjuana gaya ng unang iniulat
- Nagdesisyon ang aktres na magbitiw sa kanyang posisyon bilang Political Affairs Officer ni Sen. Robin Padilla upang protektahan ang kanyang pamilya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Binahagi ni Nadia Montenegro ang kanyang saloobin tungkol sa matinding dagok na hinarap niya habang nagsisilbi bilang Political Affairs Officer ni Sen. Robin Padilla noong 2025 sa isang panayam ng Philippine Star. Matatandaang naging sentro ng usap-usapan si Montenegro matapos siyang madawit sa alegasyon ng paggamit ng maríjuana sa loob mismo ng gusali ng Senado, isang bagay na mariin niyang itinatanggi hanggang ngayon.

Source: Instagram
Inamin ni Nadia na hindi naging madali ang panahong iyon dahil sa bigat ng pagpapaliwanag sa publiko. Aniya, “Ang hirap-hirap na kahit saan ka pumunta, nag-e-explain ka sa isang bagay na alam mong hindi nangyari. Tapos 'yun na ngang hindi nangyari, 'yun pang kailangan mo pa silang paniwalaan na hindi nangyari. Ang hirap-hirap. So, at least now, I'm at peace.” Dahil sa takot sa panghuhusga sa online world, pinili rin muna niyang umiwas sa mga showbiz gatherings.
“Kapag lumabas yung mukha mo parang, 'Oh ayan na naman yung addict.' It doesn't affect me, but nalulungkot ako na ganito na 'yung mundo natin talaga, na parang grabe, imagine how the world would be if people would just have a lot of knowledge sa katotohanan, kung ano talaga 'yung buhay,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Garduque, inaprubahan na ng piskalya sa Pasay ang pagsasampa ng kaso laban sa isang security personnel na nag-imbento umano ng ulat. Ayon kay Garduque, mismong ang respondent na ang umamin sa kanyang counter-affidavit na wala siyang nakitang senyales ng paggamit ng maríjuana. “He admitted that what was shown and what was in the bag of Nadia Montenegro during that time was merely a vape and it was flavored grape. So, hindi talaga 'yun maríjuana,” paliwanag ng abogado.
Sa kabila ng ingay, pinili ni Nadia na mag-resign hindi dahil sa guilty siya, kundi dahil ayaw niyang madamay pa ang kanyang pamilya at ang opisina ni Sen. Padilla. Sa ngayon, abala na ang aktres sa kanyang catering business at masayang nag-aalaga sa kanyang mga apo. “This January, I started full blast na catering. Okay na ako, masaya na ako, and then I have my apos nandito na lahat, so super happy,” masayang pagtatapos niya.
Si Nadia Montenegro ay kilala bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa bansa simula pa noong dekada '80. Bukod sa pagiging artista, naging aktibo rin siya sa mga gawaing sibiko bago pumasok sa mundo ng politika bilang staff sa Senado. Ang kanyang katatagan sa gitna ng mga intriga ay hinahangaan ng marami sa industriya.
Bago ang matapang na pahayag na ito ni Nadia, marami ang nagpaabot ng suporta sa kanya kabilang na ang malalapit na kaibigan sa industriya. Sa ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi kung paano nagbigay ng emosyonal na mensahe ang aktres na si Lotlot de Leon para kay Nadia. Pinuri ni Lotlot ang matibay na pananampalataya ng kanyang kaibigan sa gitna ng mga pagsubok na tila hindi natitibag ng anumang kontrobersya.
Matatandaan din na hindi nanahimik si Nadia nang magsimula ang mga maling balita tungkol sa kanya. Ayon sa isa pang artikulo mula sa Kami.com.ph, pormal na nagsampa ng reklamong libel at harassment ang aktres laban sa mga nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa maríjuana. Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang krusada na linisin ang kanyang pangalan at itama ang maling persepsyon ng publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

