Jojo Mendrez, nagbigay ng payo kay Mark Herras matapos ang viral na pag-iyak ng aktor
- Nagbigay ng reaksyon ang businessman-singer na si Jojo Mendrez tungkol sa viral na video ni Mark Herras kung saan makikita ang aktor na umiiyak
- Pinayuhan ni Mendrez ang aktor na mas mabuting ilabas ang emosyon nang pribado upang maiwasan ang iba't ibang interpretasyon ng publiko
- Nilinaw ng negosyante na hindi niya pinipilit ang aktor na bayaran ang utang nito sa gitna ng kinakaharap nitong mga pagsubok
- Inanunsyo rin ni Mendrez na siya na ang bagong producer ng Star Awards para sa Pelikula at Telebisyon at bukas siyang imbitahan ang aktor
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang kamakailang panayam, hiningan ng pahayag ang businessman-singer na si Jojo Mendrez kaugnay ng kumalat na video ng aktor na si Mark Herras na tila dumadaan sa isang mabigat na pagsubok. Ayon kay Jojo, ang pagpapakita ng labis na emosyon sa harap ng publiko ay maaaring magresulta sa iba't ibang reaksyon na maaaring makatulong o lalong makasama sa isang tao.

Source: Facebook
Direktang nagbigay ng payo ang negosyante para sa dating Ultimate Male Survivor. Aniya, “If you want to cry, cry in private because people have different types of reactions — it could do good or bad, and sometimes lead to things that are even more hurtful.” Naniniwala si Jojo na mas ligtas kung sa sarili na lamang ilalabas ang nararamdaman kaysa maging paksa pa ng espekulasyon ng mga netizen.
Matatandaang naging mainit ang usapan sa pagitan nina Mark at Jojo noong nakaraang taon matapos silang makitang magkasama sa isang hotel lobby, na agad naman nilang itinanggi na may malisya. Sinundan ito ng mas matinding isyu nang sampahan ni Jojo ng kaso ang aktor dahil sa diumano’y pagbabanta nito sa kanya sa kabila ng pagpapahiram niya ng pera. Bagama’t hindi na na-update ang status ng kaso, tila humupa na ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Bukod sa kanyang payo, binanggit din ni Jojo na wala siyang intensyong pilitin si Mark sa mga obligasyong pinansyal nito lalo na’t tila hindi pa maayos ang kalagayan ng aktor. Sa kabila ng kanilang nakaraang alitan, nagpakita ng pagiging bukas ang businessman-singer. Bilang bagong producer ng prestihiyosong Star Awards for Movies at Star Awards for Television, sinabi ni Jojo na handa siyang imbitahan ang aktor sa mga naturang programa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang viral video ni Mark na nagpapakita ng kanyang pag-iyak ay nagdulot ng sari-saring hinala, kabilang na ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Nicole Donesa at ang kakulangan diumano ng mga proyekto sa telebisyon. Gayunpaman, mariing pinabulaanan ni Mark ang mga alegasyong siya ay "jobless" sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang mga kasalukuyang pinagkakaabalahan.
Matapos mag-viral ang video ni Mark Herras na umiiyak, marami ang nag-akalang wala na siyang trabaho sa showbiz. Agad itong sinagot ng aktor at sinabing huwag maging mapanghusga dahil mayroon siyang mga proyektong ginagawa. Binigyang-diin niya na ang pagiging emosyonal ay hindi nangangahulugang wala na siyang pinagkakakitaan.
Ipinakita ni Mark Herras ang kanyang mga ginagawang proyekto upang patigilin ang mga bali-balitang wala na siyang career. Ayon sa aktor, hindi totoo ang mga espekulasyon ng mga netizen na ang dahilan ng kanyang pag-iyak ay ang pagiging "jobless." Nanatiling matatag ang aktor sa pagharap sa mga negatibong komento sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

