Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, sumabak na sa kanyang kauna-unahang singing lesson

Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, sumabak na sa kanyang kauna-unahang singing lesson

  • Sumalang sa kanyang kauna-unahang singing lesson ang limang taong gulang na celebrity kid na si Dahlia Amelie sa loob ng RMA Studio Academy
  • Ibinahagi ng celebrity vocal coach na si Jade Riccio ang mga larawan at video kung saan makikitang kasama ni Dahlia ang kanyang amang si Erwan Heussaff
  • Inawit ng batang si Dahlia ang sikat na kantang “A Million Dreams” mula sa pelikulang The Greatest Showman bilang bahagi ng kanyang unang pagsasanay
  • Nagpahayag naman ng suporta ang kanyang inang si Anne Curtis matapos makita ang dedikasyon ng anak sa pag-aaral ng tamang paghinga at pakikinig sa boses

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mukhang susunod na sa yapak ng kanyang sikat na ina ang bunsong paborito ng netizens na si Dahlia Amelie. Sa edad na lima, pormal nang sinimulan ni Dahlia ang kanyang paglalakbay sa mundo ng musika matapos sumalang sa kanyang kauna-unahang singing lesson.

Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, sumabak na sa kanyang kauna-unahang singing lesson
Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, sumabak na sa kanyang kauna-unahang singing lesson (📷@annecurtissmith/IG)
Source: Instagram

Sa mga social media posts ng RMA Studio Academy at ng tanyag na celebrity vocal coach na si Jade Riccio, ipinasilip ang mga naging kaganapan sa loob ng studio. Kasama ni Dahlia ang kanyang amang si Erwan Heussaff na todo-suporta sa likod ng kanyang anak habang sinisimulan ang mga vocal exercises.

Read also

Archie Alemania, umani ng samu’t saring reaksyon dahil sa video sa harap ng isang ice cream stall

Sa naturang session, pinili ni Dahlia na awitin ang “A Million Dreams” mula sa The Greatest Showman. Ayon sa pamunuan ng studio, hindi muna nakatuon ang klase sa pagpapabirit kundi sa mas mahahalagang pundasyon ng pag-awit.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Today marked Dahlia’s very first step inside the studio. No spotlight. No pressure. Just learning how to breathe properly, how to listen, and how to find comfort in her own sound,” saad sa caption ng academy.

Naniniwala rin sila na ito pa lamang ang simula ng pag-usbong ng talento ng bata. “Every strong voice starts quietly. And this is where Dahlia’s blooming begins,” dagdag pa nila.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ng "Multimedia Superstar" na si Anne Curtis ang post na ito. Bilang isang proud mommy, nag-iwan siya ng komento upang ipakita ang pagmamahal sa kanyang anak: “My baby. My little dreamer!”

Si Dahlia Amelie ay isa sa mga pinaka-pinagkakaguluhan na celebrity children sa Pilipinas dahil sa kanyang taglay na ganda at tila likas na hilig sa sining, bagay na hindi na nakapagtataka dahil sa kanyang mga magulang na parehong matagumpay sa kani-kanilang larangan.

Habang abala si Dahlia sa kanyang mga bagong hilig, patuloy namang ibinabahagi ni Anne ang kanilang mga matatamis na sandali bilang isang pamilya.

Read also

Kathryn Bernardo, may mahalagang hiling tungkol sa kanyang mga personal na desisyon

Kamakailan ay ibinahagi ni Anne Curtis ang mga larawan mula sa kanilang naging bakasyon sa South Korea kasama si Dahlia. Kitang-kita sa mga larawan ang pag-enjoy ng mag-ina sa magagandang tanawin at sa malamig na panahon ng bansa. Ayon kay Anne, tila may "hangover" pa rin sila sa ganda ng Korea lalo na’t nakapag-bonding silang mag-anak sa gitna ng kanyang abalang schedule sa It's Showtime.

Sa isang panayam, ikinuwento rin ni Anne ang pagkakataon kung kailan napagtanto ni Dahlia na isang sikat na personalidad ang kanyang ina. Ayon sa aktres, naging unti-unti ang pag-intindi ng bata rito lalo na kapag may mga taong lumalapit sa kanila sa publiko upang humingi ng litrato. Ipinaliwanag naman ni Anne sa anak ang kanyang trabaho sa paraang madaling mauunawaan ng bata, habang sinisiguradong nananatiling normal at masaya ang paglaki ni Dahlia sa kabila ng kasikatan ng pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate