Kathryn Bernardo, may mahalagang hiling tungkol sa kanyang mga personal na desisyon

Kathryn Bernardo, may mahalagang hiling tungkol sa kanyang mga personal na desisyon

  • Nagpahayag ng saloobin ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo tungkol sa paghingi ng respeto para sa kanyang sariling mga desisyon sa buhay
  • Sa isang viral video mula sa Reddit, binigyang-diin ng aktres na mahalagang payagan siyang lumago at matuto mula sa kanyang sariling mga pagkakamali
  • Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang mga fans at partner brands na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya nang hindi siya binabago
  • Sa gitna ng kanyang pahayag, patuloy namang nakatatanggap ng iba't ibang reaksyon at batikos ang aktres mula sa netizens dahil sa mga usaping may kaugnayan sa kanyang personal na buhay

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng mga usap-usapan at kritisismo sa social media, pinili ni Kathryn Bernardo na magsalita tungkol sa isang bagay na labis niyang pinahahalagahan: ang respeto sa kanyang mga personal na desisyon. Mula sa pagiging child star hanggang sa pagiging Asia’s Superstar, hindi maikakaila na lumaki si Kathryn sa harap ng publiko. Ngunit kasabay ng kanyang tagumpay ay ang pagbusisi ng marami sa bawat galaw niya.

Read also

McCoy De Leon, hindi nakatiis at rumesbak para kay Coco Martin

Kathryn Bernardo, may mahalagang hiling tungkol sa kanyang mga personal na desisyon
Kathryn Bernardo, may mahalagang hiling tungkol sa kanyang mga personal na desisyon (📷@bernardokath /IG)
Source: Instagram

Sa isang kamakailang event, base sa video na kumalat sa Reddit community na ChikaPH, diretsahang tinalakay ng aktres ang tungkol sa tiwala.

"Even the decisions I make, even if they dont always agree. I think doon na pumapasok yung respeto, na if you really trust me, you have to allow me to grow and allow me to make mistakes and learn from my mistakes," diin ni Kathryn.

Read also

Derek Ramsay, sumagot na sa mga bali-balitang isa na siyang bilyonaryo

Ang pahayag na ito ay nagmula sa gitna ng mga puna ng ilang netizens na tila "binibitawan" na raw ng aktres ang kanyang wholesome image. May mga bumabatikos din sa kanya dahil sa pagiging "apolitical" at ang mga bali-balitang nag-uugnay sa kanya kay Lucena City Mayor Mark Alcala.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga negatibong komento, mas pinili ni Kathryn na magpasalamat sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan. Ayon sa aktres, labis niyang pinahahalagahan ang mga brands at fans na hindi siya pinipilit na maging ibang tao.

"They dont try to change me, parang they just give their support," saad ng aktres. Dagdag pa niya, ito ang uri ng tiwala na kanyang iniingatan at pinoprotektahan. "Im thankful to my fans who stayed with me through the good times, especially the not-so-good times," pagtatapos ng box-office star.

Read also

Jopay Paguia, nagbahagi ng mahalagang aral sa wastong pagbabahagi ng paniniwala sa kapwa

Sa gitna ng mga diskusyong ito tungkol sa kanyang buhay, marami pa ring mga kaganapan ang nagpapakita ng suporta ng kanyang pamilya at mga naging bahagi ng kanyang karera.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Karla Estrada kung paano hinarap ng kanilang pamilya ang paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ayon kay Karla, hindi naging madali ang proseso para sa lahat, lalo na’t naging bahagi na si Kathryn ng kanilang buhay sa loob ng mahabang panahon. Gayunpaman, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatuloy at paggalang sa naging desisyon ng dalawa para sa kanilang ikabubuti.

Muling naging sentimental ang ina ni Kathryn na si Mommy Min Bernardo nang magbalik-tanaw ito sa nakaraang dalawang dekada ng seryeng "Super Inggo." Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang naging samahan at pagkakaibigan ng mga cast na nananatili pa rin hanggang ngayon. Ipinapakita nito ang malalim na pundasyon ni Kathryn sa industriya mula pa noong siya ay bata pa lamang, na nagsilbing gabay niya sa kanyang paglaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate