Jennica Garcia, "nag-camping" sa labas ng sariling pintuan dahil sa double lock
- Umani ng libu-libong reactions ang post ni Jennica Garcia tungkol sa kanyang karanasan kung saan hindi siya makapasok sa sariling bahay
- Inabot ng mahigit isang oras at kalahati ang aktres na nakatambay sa labas dahil sa sobrang higpit ng pagkaka-double lock ng kanyang pinto
- Minabuti na lamang ni Jennica sa pakikipag-kulitan sa kanyang mga Facebook followers ang paghihintay hanggang sa magising ang kanyang kasama sa bahay
- Sa kabila ng nangyari ay nakuha pang magbiro ng aktres tungkol sa kanyang sitwasyon habang nakaupo sa labas nang walang sapatos
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Kinaaliwan ng maraming netizens ang naging "late-night adventure" ng aktres na si Jennica Garcia matapos siyang ma-lock out sa sarili niyang bahay nitong madaling araw. Sa isang Facebook post, humingi ng makakausap ang aktres habang naghihintay na pagbuksan ng pinto.

Source: Facebook
“SINO PA GISING? Chat muna tayo. Mukhang matagal tagal pa ko dito sa labas ng bahay namin. See you sa comments. Napa “Ask Me Anything” pa nga ng di oras,” biro ni Jennica sa kanyang post.

Read also
Gary Valenciano, may mahalagang paalala kay Alvin Aragon tungkol sa pagbabahagi ng pananampalataya
Ipinaliwanag ng aktres na bagama't mayroon siyang sariling susi, hindi niya pa rin mabuksan ang pinto dahil naka-double lock ito mula sa loob. Ang kanyang kasama sa bahay na si Ninay ang aksidenteng nakapag-lock nito bago matulog, kaya naman kahit anong pihit ni Jennica ay hindi siya makapasok.
Binahagi pa ni Jennica ang screenshot ng kanyang mensahe kay Ninay kung saan makikitang 3:30 pa lamang ng madaling araw ay naghihintay na siya. Nang may magkomento na baka alas-5 na ng umaga magising ang kanyang kasama, sumagot ang aktres na baka “8am pa siya gigising wala pasok mga anak ko bukas.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang kabuuang isang oras at apatnapung minuto, sa wakas ay pinagbuksan na rin si Jennica. Sa kanyang sumunod na post, ibinahagi niya ang larawan ni Ninay at ang naging reaksyon nito nang makita siyang nakaupo sa labas at wala nang sapatos.
“SA SOBRANG SECURED NG BAHAY KO PATI AKO HINDI MAKAPASOK Magbunyi mga idol! Gising na si Ninay at pinagbuksan na ako ng pinto. Tawang tawa pa kamo na wala na ko sapatos na nakaupo dito sa labas. Pambihira. Imba mga boss lodi! Saya niya eh,” kwento ni Jennica.
Dagdag pa ng aktres, madalas niyang paalalahanan si Ninay na huwag mag-double lock pero sadyang masunurin ito pagdating sa seguridad. Sa huli, dinaan na lang niya ito sa tawa. “Wag tayo nakikipagtalo sa nakakatanda dahil matatalo lang tayo. Haha! Ligo na ko tapos tulog. Goodnight at thank you sa lahat ng naka-chat ko. The best kayo Facebook Fam! GG! TOTAL WAITING TIME: 1 hour 40 minutes LELZ,” pagtatapos niya.
Kilala si Jennica Garcia hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati na rin sa pagiging isang "relatable" na solo parent. Madalas niyang ibahagi ang mga kaganapan sa kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak, na palaging kinagigiliwan ng kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang pagiging totoo at masayahin.
Bukod sa nakakatawang pangyayaring ito, naging bukas din ang aktres sa kanyang mas seryosong mga karanasan sa buhay. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, naging emosyonal si Jennica nang balikan niya ang kanyang naging paglalakbay bilang isang ina at ang mga sakripisyong kanyang ginawa para sa kanyang pamilya. Marami ang humanga sa kanyang katatagan at dedikasyon sa pagpapalaki ng kanyang mga anak sa kabila ng mga pagsubok.
Hindi rin nakakalampas sa netizens ang pagiging praktikal ni Jennica pagdating sa pananalapi. Sa isa pang ulat mula sa Kami.com.ph, ibinahagi ng aktres ang kanyang "thought process" bago bumili ng mga mamahaling gamit gaya ng bag. Ipinakita niya rito na kahit siya ay isang sikat na personalidad, pinahahalagahan pa rin niya ang bawat sentimo na kanyang pinaghihirapan para sa kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
