Alvin Aragon, nagsalita sa aniya'y dahilan ng pag-alis ni Izzy Trazona sa SexBomb
- Itinanggi ni Alvin Aragon ang mga espekulasyon na siya ang naging hadlang sa career ng asawang si Izzy Trazona sa SexBomb Girls
- Nilinaw ng StarStruck alum na taong 2009 pa nang lisanin ni Izzy ang grupo bago pa man sila ikasal noong 2012
- Ayon kay Aragon ang pagbabago ng pananampalataya ni Trazona ang tunay na nag-udyok sa kaniya na iwan ang pagiging dancer
- Nagbigay-linaw din ang aktor sa naging proseso ng kaniyang pagpayag sa sorpresa at emosyonal na paglabas ni Izzy sa nagdaang reunion concert
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa gitna ng usap-usapan ng mga netizens, bumasag na ng katahimikan ang StarStruck season one alum na si Alvin Aragon upang linawin ang mga akusasyong siya ang dahilan ng pag-alis ni Izzy Trazona sa grupong SexBomb Girls. Sa isang panayam sa DZAR radio noong Biyernes, February 13, mariing itinanggi ni Aragon na may kinalaman siya sa naging desisyon ng kaniyang asawa.

Source: Facebook
“Sinasabi nila, ‘Kaya pala wala sa SexBomb si Izzy dahil sa lalaking ’yan, eh.’ Teka lang, ha! Matagal nang wala si Izzy sa SexBomb, 2009 pa lang. Hindi pa nga ako ’yung asawa eh,” saad ni Alvin upang ituwid ang timeline ng mga pangyayari. Ayon sa kaniya, ang pagiging Christian ni Izzy ang naging mitsa ng kaniyang pag-resign. Aniya, “Sino ang nagpa-resign kay Izzy sa SexBomb? Ang Panginoon noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ng Lord.”
Ikinasal sina Alvin at Izzy noong 2012 at aktibo silang miyembro ng Victory Church sa Ortigas. Sa nasabing interview, ibinahagi ni Alvin na sumunod lamang si Izzy sa tawag ng kaniyang pananampalataya. Ikinuwento pa niya ang naging pag-uusap ni Izzy at ng manager ng grupo na si Joy Cancio.
“Pinag-resign ng Lord. Sabi ni Lord kay Izzy, ‘Come, follow me. I will make you fishers of men.’ Nag-obey si Izzy du’n. Kausap niya si Joy Cancio, sabi niya, ‘Ate Joy, magreresign na po ako sa SexBomb, ‘yung pangalan po namin, damit po namin, at sayaw po namin,’” pagbabalik-tanaw ni Aragon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang naging mainit na paksa sa social media ang naging guesting ni Izzy sa Fast Talk with Boy Abunda noong February 10, kung saan nabanggit ang paghingi niya ng permiso sa asawa para sa kaniyang sorpresa sa reunion concert ng grupo sa Mall of Asia Arena. Ipinaliwanag naman ni Alvin na hindi naging madali ang kaniyang desisyon dahil sa dami ng tao, ngunit dumaan ito sa matinding panalangin.
“Hindi madali eh. Noong sinabi niya sa akin na mag-share siya ng love ni Jesus sa concert. Sa akin, hindi madali ‘yun na decision. Ang dami kasing tao eh. Tapos, magsasalita. Hindi madali, ‘Teka lang, Hon.’ So, pinag-pray ko muna. Tapos nag-devotion ako. Na-convince ako na ito ang guidance ng Panginoon sa kanya. ‘Oh sige, Hon. I support you. Sige kung gusto mong um-attend, umattend ka,’” paliwanagni Alvin.
Si Alvin Aragon ay nakilala bilang isa sa mga "Avengers" ng unang season ng reality talent search na StarStruck noong 2003. Matapos ang kaniyang stint sa showbiz, mas nakatuon na siya ngayon sa kaniyang pamilya at sa paglilingkod sa simbahan kasama ang asawang si Izzy, na isa naman sa mga pinakasikat na original members ng SexBomb Girls.
Bukod sa isyung ito, naging laman din ng balita kamakailan ang iba pang aspeto ng buhay ng mag-asawa, kabilang ang tungkol sa kanilang pamilya at ang tagumpay ng kanilang dating grupo.
Sa artikulong ito, tinalakay ang relasyon ni Izzy at Alvin sa kanilang anak na si Sofia. Ibinahagi rito ang mga hamon at ang paraan ng pagtanggap at suporta ng pamilya sa kabila ng kanilang magkakaibang pananaw sa buhay.
Matapos ang matagumpay na reunion concert sa Mall of Asia Arena, muling nagpasiklab ang SexBomb Girls sa anunsyo ng kanilang nalalapit na world tour. Tampok sa balitang ito ang mga detalye ng kanilang susunod na performances para sa mga fans sa ibang bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

