John Estrada, may pasilip sa Valentine's Day celebration nila ni Anechka
- Nagbahagi si John Estrada ng ilang mga larawan bilang pasilip sa kanyang Valentine's Day celebration
- Sa naturang post, makikitang nakasama ni John ang kanyang anak na si Anechka
- Makikita sa post ang mag-ama na magkahawak-kamay at nakangiti sa harap ng camera
- Ang bonding na ito ay naganap sa gitna ng pagkumpirma ni Priscilla Meirelles na opisyal na silang hiwalay at divorced
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa gitna ng mga pagbabago sa kanyang personal na buhay, pinili ng aktor na si John Estrada na gugulin ang Araw ng Mga Puso kasama ang kanyang anak na si Anechka. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni John ang kanilang "date night" sa isang marangyang lugar.

Source: Instagram
"One of my forever Valentine's," maikling caption ni John habang ibinibida ang larawan nilang mag-ama.
Suot ang puting polo at sunglasses, makikitang masaya ang aktor habang kasama si Anechka na may hawak pang rosas. Nagpakuha rin sila ng larawan sa harap ng isang malaking "LOVE" decor, kung saan kitang-kita ang kanilang pagiging malapit bilang mag-ama.
Naging espesyal naman ang moment na ito para sa mga fans ng aktor, lalo na’t naging laman siya ng balita nitong taon lamang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngayong 2026, pormal na ngang kinumpirma ni Priscilla Meirelles sa kanyang panayam sa 'Fast Talk with Boy Abunda' na hiwalay na sila ni John at opisyal na silang divorced. Ngunit sa kabila ng hiwalayang ito, tila sinisiguro ni John na nananatiling matatag ang kanyang koneksyon sa kanilang anak na si Anechka.
Sa naturang panayam, naikwento rin ni Priscilla kung ano ang naging reaksyon ng aktor sa divorce.
Si John Estrada ay isang batikang Filipino actor at modelo. Naging bahagi siya ng maraming palabas sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas, at kilala sa kanyang husay sa parehong komedya at drama. Sa kanyang personal na buhay, unang ikinasal si John sa aktres na si Janice de Belen, at nagkaroon sila ng apat na anak: sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan. Kalaunan ay na-annul ang kanilang kasal noong 2004. Pagkatapos nito, pinakasalan niya ang Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles noong 2011, at mayroon silang isang anak na babae na nagngangalang Samantha Anechka.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay naglabas ng emosyonal na pahayag si John Estrada tungkol sa dating asawang si Priscilla Meirelles. Inamin niyang si Priscilla ang “love of his life” at umaasa siyang maayos pa nilang mapag-uusapan ang lahat. Sinabi rin ni John na handa siyang muling pakasalan si Priscilla kung gugustuhin nito. Nagbigay din siya ng papuri kay Daniel Padilla na inuugnay sa kanyang anak na si Kaila Estrada.
Samantalang ay buong suporta si John Estrada sa kanyang anak na si Kaila Estrada sa gitna ng mga umuugong na dating rumors nito kay Daniel Padilla. Binigyang-diin ng aktor na isa nang ganap na adult si Kaila at may tiwala siya sa kakayahan nitong magpasya para sa sarili, sabay sabing hindi siya ang dapat magkwento ng istorya ng kanyang anak. Lalong umigting ang espekulasyon tungkol sa dalawang co-stars matapos ang ilang beses na pagkakita sa kanila sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

