Netizens, naintriga sa 'funeral wreath' video ni Archie Alemania para kay "Gee"

Netizens, naintriga sa 'funeral wreath' video ni Archie Alemania para kay "Gee"

  • Nag-viral ang Instagram story ni Archie Alemania kung saan makikita siyang kumakanta ng 'Hindi Kita Malilimutan'
  • Hawak ng aktor ang isang maliit na funeral wreath na may nakasulat na maikling note para kay "Gee"
  • Mas naging kontrobersyal pa nga ang video dahil tila ipinost ito ng aktor sa Araw ng Mga Puso
  • Maraming netizens ang napa-isip dahill maingay ang tsismis na hiwalay na sila umano ng kanyang misis na si Gee Canlas

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi naman nagpaawat sa pagbibigay ng "hugot" ang aktor na si Archie Alemania. Sa kanyang pinakabagong Instagram story, isang kakaibang video ang ibinahagi niya na agad naging viral sa social media dahil sa pagka-cryptic umano nito.

Netizens, naintriga sa 'funeral wreath' video ni Archie Alemania para kay "Gee"
Netizens, naintriga sa 'funeral wreath' video ni Archie Alemania para kay "Gee" (@archiealemania)
Source: Instagram

Sa nasabing video, makikitang seryosong kumakanta si Archie ng sikat na awiting 'Hindi Kita Malilimutan.' Ngunit ang nakakuha ng atensyon ng lahat ay ang hawak niyang puting mga bulaklak na tila naka-ayos bilang isang funeral wreath.

May nakasulat pa nga sa ribbon na, "Gee, Patay na Patay Ako Sayo" na tila pun dahil sa hawak niyang funeral wreath.

Read also

Rufa Mae Quinto, inaming nagkaroon siya ng trauma: "Sa lahat ng pinagdaanan ko"

Bukod pa rito ay marami rin ang nakapansin ng tila lungkot na ipinapakita ni Archie habang yakap ang mga bulaklak. Matapos ang kanyang pagkanta, bumati pa siya ng "Happy Valentine's Day" nang may malungkot na mukha bago matapos ang clip.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, kanya-kanyang hula ang mga netizens kung ang "Gee" na pangalan na nakasulat sa wreath ay tumutukoy sa kanyang misis na si Gee Canlas. Ipinost kasi ni Archie ang video sa gitna ng mga tsismis na hiwalay na sila umano nito.

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay naging laman ng balita si Gee dahil sa pag-open up nito sa social media sa pagiging "solo parent" niya.

Si Archie Alemania ay isang Filipino actor at komedyante na kilala sa kanyang natural na husay sa pagpapatawa at pagganap sa iba't ibang karakter sa telebisyon at pelikula. Madalas siyang mapanood sa mga comedy shows at sitcom kung saan tampok ang kanyang mahusay na timing at kakaibang delivery ng linya. Sa paglipas ng mga taon, nakabuo siya ng reputasyon bilang isang versatile na artista. Sa personal naman niyang buhay, pinakasalan ni Archie ang aktres at TV host na si Gee Canlas noong 2018 sa Nuvali, Laguna. Matapos ang kanilang kasal ay winelcome naman nila ang kanilang anak na si Caleb noong 2019.

Read also

Ai-Ai Delas Alas, ibinahagi ang 'hardest lesson' na natutunan niya sa buhay

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025, napatunayang nagkasala ng acts of lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania ng korte sa Bacoor. Hinatulan si Alemania ng hanggang isang taong pagkakakulong at inutusang magbayad ng ₱40,000 bilang danyos. Ayon sa abogado ni Rita Daniela, nakamit na ang hustisya matapos ang hatol. Nag-ugat ang insidente sa isang car ride noong 2024.

Samantalang noong taon din na iyon ay naghain si Archie Alemania ng “Not Guilty” plea sa kanyang arraignment kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela. Sa nasabing arraignment, pinagbigyan din ng korte ang hiling ng legal team ni Archie na limitahan ang mga pampublikong pahayag ng mga sangkot sa kaso. Sa kabila ng plea ni Archie, nanindigan si Rita sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco