Vice Ganda, 'blessed' sa double date kasama sina Ion Perez at Ryan Bang ngayong Valentine's
- Ibinahagi ni Vice Ganda ang isang nakakakilig na video ni Ion Perez ngayong Valentine's Day
- Inamin ng 'Unkabogable Star' na naramdaman niyang "blessed" siya ngayong taong 2026
- Naganap kasi ang isang masayang Valentine's dinner kung saan kasama nina Vice at Ion ang 'anak-anakan' ni Vice na si Ryan Bang
- Maraming fans ang talagang kinilig sa post na ito ni Vice dahil sa pagpapakita niya ng saya at contentment sa kanyang buhay pag-ibig
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Puno ng kulay at pag-ibig ang naging Valentine's Day ni Vice Ganda ngayong 2026. Sa kanyang Instagram post, ipinasilip ng 'It's Showtime' host ang naging sorpresa sa kanya ng partner na si Ion Perez na talagang nagpakilig sa mga netizens.

Source: Instagram
Sa nasabing video, makikitang masayang sumasayaw si Ion habang naglalakad palapit kay Vice.
Bitbit ni Ion ang isang red heart balloon at mga bulaklak para sa kanyang partner. Ayon kay Vice, matagal siyang naghintay para sa espesyal na tao, at higit pa sa inaasahan niya ang dumating.
"I waited for someone, and I was blessed with not just one," madamdaming caption ni Vice sa kanyang post. Ang tinutukoy ni Vice na pangalawang biyaya ay ang kanyang "baby boy" na si Ryan Bang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngayong taon, nagkaroon ang tatlo ng isang masayang dinner date sa isang restaurant para ipagdiwang ang Araw ng Mga Puso.
Sa isa pang larawan, makikitang magkakasamang kumakain sina Vice, Ion, at Ryan sa isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. Kitang-kita ang saya sa mukha ni Vice habang kasama ang dalawa. Tunay ngang isang "blessed" Valentine's ito para sa nag-iisang 'Unkabogable Star.'
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot ni Anne Curtis nang diretsahan ang isang netizen na bumatikos sa trailer ng bago niyang pelikula. Ang nasabing pelikula, ang The Loved One, ay ang pinakahihintay na pagbabalik ni Anne sa big screen kasama si Jericho Rosales. Isang maikli ngunit matapang na sagot ang naging tugon ng aktres sa platform na X. Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na biruin ang kaibigan sa naturang site dahil sa labis na pagkaaliw nito sa reaksyon ni Anne.
Samantalang ay pinag-usapan sa social media ang nakakatawang comment ni Vice Ganda sa bagong Instagram post ni Nadine Lustre. Nag-post kasi si Nadine ng mga aesthetic photos kung saan nakalutang siya sa tubig. Biro ni Vice, kapag siya ang gumawa nito ay hindi ganoon kaganda ang kinalalabasan. Umani ng libu-libong likes ang hirit na ito ng komedyante dahil sa pagiging makuwela nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

