Isabel Oli, may madamdaming pagbati sa ika-42 na kaarawan ng mister na si John Prats

Isabel Oli, may madamdaming pagbati sa ika-42 na kaarawan ng mister na si John Prats

  • Ipinagdiwang ni Isabel Oli ang ika-42 na kaarawan ng asawang si John Prats sa pamamagitan ng isang post sa Instagram
  • Ayon kay Isabel, kahit may trabaho si John sa mismong araw ng kanyang birthday, alam niyang masaya pa rin ito ngayon
  • Pinasalamatan ni Isabel ang asawa sa pagiging isang malaking biyaya sa kanilang pamilya
  • Hinangaan ng aktres ang pagiging maalaga ni John dahil nakakahanap pa rin ito ng oras para sa kanila kahit ito ay pagod

Isang napakatamis at punong-puno ng pagmamahal na mensahe ang ibinahagi ni Isabel Oli para sa kaarawan ng kanyang "Valentine" na si John Prats. Sa Instagram, hindi mapigilan ni Isabel na humanga sa asawa na tila lalo pang nagiging "pogi" sa edad na 42.

Isabel Oli, may madamdaming pagbati sa ika-42 na kaarawan ng mister na si John Prats
Photos: @niceprintphoto, @isabeloliprats on Instagram
Source: Instagram
"Happy 42nd Birthday... wait, what... 42?! OMG! Getting even more pogi ha!" biro ni Isabel sa kanyang caption. Inamin din niya na abala si John sa pagtatrabaho sa mismong espesyal na araw nito, ngunit alam niyang "okay lang" ito dahil nasa puso ng aktor ang pagdidirek.

Read also

Jericho Rosales nagsalita na sa isyu ng diumano’y pang-iisnab kay Kim Chiu

Sa post, nagsulat si Isabel ng maikli ngunit madamdaming tribute para sa kanyang mister.

"Just want to take a moment to say how I appreciate you, how grateful I am for you, and how you’re such a blessing to me and our kids," ang sweet na pahayag ng aktres.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang-diin niya na kahit pagod na si John, lagi pa rin itong gumagawa ng paraan para makasama sila.

Sa huli, ipinagdasal ni Isabel na patuloy na protektahan at gabayan ng Panginoon si John sa lahat ng pangarap nito.

"May all the dreams of your heart come true according to God’s will. Blessed Birthday to you, my Valentine @johnprats @direkpratty. Love you," pagtatapos ni Isabel.

Si Isabel Oli ay isang Filipina actress at model na nakilala sa kanyang mga papel sa telebisyon at pelikula. Nagsimula siya sa showbiz bilang modelo bago pumasok sa mundo ng pag-arte. Unang sumikat si Isabel nang mapabilang siya sa mga teleserye at pelikula ng GMA Network, kung saan ipinakita niya ang kanyang talento sa drama at romance. Kilala siya sa kanyang maamong mukha at natural na ganda, na naging dahilan upang madalas siyang mapiling leading lady. Bukod sa kanyang karera, mas nakilala rin si Isabel bilang asawa ng aktor na si John Prats. Sila ay ikinasal noong 2015 at ngayon ay may tatlong anak na magkasama nilang inaalagaan.

Read also

Catriona Gray, nagpakatotoo nang matanong sa hiwalayan nila ni Sam Milby: "I was so broken"

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay muling hinangaan si Isabel Oli sa social media. Kamakailan ay ibinida kasi ni Isabel ang bonggang '5 Hub Building' ng biyenan niya. Aniya Isabel, labis daw ang kanyang paghanga sa mga magulang ni John Prats. Bukod pa rito ay inihayag din ni Isabel ang kanyang panalangin.

Samantalang noong 2024, ibinahagi ni Isabel Oli sa Instagram kung gaano siya ka-thankful sa isang natupad na panalangin. Ibinunyag niya na ipinagdarasal niya ang pagkakaroon ng karagdagang sasakyan lalo na't magsisipasok na muli ang mga anak nila sa paaralan. Labis ang kanyang tuwa nang malaman na siya at ang kanyang asawang si John Prats ay mag-eendorso ng dalawang sasakyan mula sa D*ng Feng Motors.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: