Maris Racal, inilabas ang nakakatawang 'behind the scenes' ng viral 'plot twist' post niya

Maris Racal, inilabas ang nakakatawang 'behind the scenes' ng viral 'plot twist' post niya

  • Inamin na ni Maris Racal na isang "prank" lamang ang kanyang viral "plot twist" post kasama si Gian Bernardino ng Cup of Joe
  • Sa isang BTS video, makikitang nagtatawanan ang dalawa habang pinaplano kung paano gagawin ang 'jowa' post nila online
  • Ang nasabing viral post ay bahagi lamang ng promosyon para sa bagong music video ni Maris na pinamagatang 'Sino Ang T*nga'
  • Pabirong sinabi ni Maris na handa na niyang i-archive agad ang post sakaling mag-"flop" ito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos pakiligin ang buong social media, ibinunyag na ni Maris Racal ang totoong kwento sa likod ng kanyang viral 'plot twist' photo kasama si Gian Bernardino ng bandang Cup of Joe. Sa isang nakakatawang behind-the-scenes (BTS) video, ipinakita ng aktres na ang lahat ay bahagi lamang ng isang malaking prank.

Maris Racal, inilabas ang nakakatawang 'behind the scenes' ng viral 'plot twist' post niya
Maris Racal, inilabas ang nakakatawang 'behind the scenes' ng viral 'plot twist' post niya (@mariesteller)
Source: Instagram
"Mukha tayong mag-jowa, tignan mo," natatawang sabi ni Maris habang tinitignan ang kanilang kuha sa cellphone.

Sa video, makikitang seryoso silang nag-iisip ng "launch updates" at kung anong caption ang gagamitin para sa kanilang "relationship reveal" kuno.

Read also

Ai-Ai Delas Alas, ibinahagi ang 'hardest lesson' na natutunan niya sa buhay

Pabiro pang hirit ni Maris, "What if mag-flop 'to? Archive agad!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinunyag din ni Maris na siya mismo ang bumili ng malaking bouquet ng bulaklak na ginamit sa shoot. Inamin naman ni Gian na nagulat siya pagdating ni Maris dahil sa laki ng dala nitong bulaklak. Sa huli, nagkasundo silang gamitin ang caption na "plot twist" para lalong maging mysterious ang dating sa publiko.

Ang lahat ng ito ay paghahanda lamang pala para sa release ng kanyang bagong music video na "Sino Ang T*nga," kung saan kasama rin niya si Gian.

"It's all about the friendship that we made," biro ng dalawa habang ipinagdiriwang ang tagumpay ng kanilang naging prank.

Si Maris Racal ay isang multi-talented na Filipina actress, singer-songwriter, dancer, at entrepreneur. Una siyang nakilala sa buong bansa noong 2014 bilang runner-up sa Pinoy Big Brother: All In, kung saan tinagurian siyang "Singing Sunshine of Davao." Pagkatapos ng kanyang stint sa reality TV, pumirma si Maris sa Star Magic at nagsimula ng matagumpay na karera sa pag-arte at musika. Simula noon, gumanap na siya sa iba't ibang dekalidad na TV drama, kabilang na ang kanyang pinaka-iconic na papel bilang si Irene Tiu sa romance series na Can't Buy Me Love. Bukod sa showbiz, pinasok din ni Maris ang negosyo, gaya ng pagtatayo ng coffee shop na Stream of Consciousness (SOC) sa La Union, na agad naging viral sa social media.

Read also

Jericho Rosales nagsalita na sa isyu ng diumano’y pang-iisnab kay Kim Chiu

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay kinailangan ma-confine sa ospital ni Maris Racal. Ibinahagi ito ng aktres sa kanyang opisyal na Instagram account nito lamang. Sa kanyang post, nagpasalamat si Maris sa medical staff na tumulong sa kanya/ Dahil dito, inulan ng well wishes ang aktres mula sa kanyang mga fans.

Samantalang noong taon din na iyon ay pinuri ni Maris Racal ang mga Pilipina dahil sa kanilang lakas, lalo na ang mga nagtatagumpay sa male-dominated na mga fields, at sinabi niyang, "Sobrang nagkaroon ng matinding respeto sa kanila." Ibinahagi rin niya na ang paggawa sa Incognito, ang kanyang unang action series, ay nangailangan ng malaking adjustment kumpara sa kanyang mga nakaraang papel sa TV dramas at rom-com na proyekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: