Netizens, naintriga sa panibagong online post ni Maris Racal: "Plot twist"
- Viral ngayon ang Instagram post ni Maris Racal kung saan kasama niya si Gian Bernardino ng Cup of Joe
- Maraming fans ang talagang napa-tanong at napaisip sa post na ito ni Maris kasama si Gian
- Sa naturang post kasi ay makikitang may hawak na bulaklak si Maris at tila nakasandal sa kanya si Gian
- Matatandaang noong 2024 ay kinumpirma ni Maris ang hiwalayan nila ng dating boyfriend na si Rico Blanco
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan ngayon sa social media ang naging post ni Maris Racal kung saan tila may bago siyang "plot twist" sa kanyang buhay. Sa Instagram, ibinahagi ni Maris ang isang larawan kasama si Gian Bernardino, ang isa sa mga lead vocalists ng bandang Cup of Joe, na agad namang pinagkaguluhan ng kanyang mga fans.

Source: Instagram
"Plot twist [white heart emoji]," ang maikling sulat ni Maris sa kanyang caption habang makikitang nakasilip sa likod ng malaking bouquet ng mga bulaklak.
Dahil dito, hindi mapigilan ng mga netizens na mag-isip kung si Gian na nga ba ang nagpapatibok ng puso ng aktres ngayon o kung ito ay bahagi lamang ng isang bagong proyekto o music video nilang dalawa.

Read also
Izzy Trazona, inilabas ang text convo nila ng kanyang trans child: "Ayoko na sana i-public ito"
Sa kabila ng mga haka-haka, may ilan naman na kinilig sa post ng aktres. "HOOYY MHIEEEE, project ba 'to o truelaloo?" tanong pa nga ng isang netizen, habang ang iba naman ay nagpahayag ng suporta para sa aktres. Makikita rin sa post na ginamit ni Maris ang kantang 'Multo' ng Cup of Joe bilang background music.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bago ang viral post na ito, matatandaang naging laman ng mga balita si Maris dahil sa kanyang naging relasyon sa singer-songwriter na si Rico Blanco. Noong July 2024, emosyonal na inamin ni Maris sa isang press conference na tapos na ang kanilang limang taong pagsasama, at sinabing ito ay isang maayos na desisyon para sa kanilang dalawa.
Si Maris Racal ay isang multi-talented na Filipina actress, singer-songwriter, dancer, at entrepreneur. Una siyang nakilala sa buong bansa noong 2014 bilang runner-up sa Pinoy Big Brother: All In, kung saan tinagurian siyang "Singing Sunshine of Davao." Pagkatapos ng kanyang stint sa reality TV, pumirma si Maris sa Star Magic at nagsimula ng matagumpay na karera sa pag-arte at musika. Simula noon, gumanap na siya sa iba't ibang dekalidad na TV drama, kabilang na ang kanyang pinaka-iconic na papel bilang si Irene Tiu sa romance series na Can't Buy Me Love. Bukod sa showbiz, pinasok din ni Maris ang negosyo, gaya ng pagtatayo ng coffee shop na Stream of Consciousness (SOC) sa La Union, na agad naging viral sa social media.

Read also
Rochelle Pangilinan, emosyonal sa pasasalamat niya sa fans sa kabila ng kanilang concert mishap
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay kinailangan ma-confine sa ospital ni Maris Racal. Ibinahagi ito ng aktres sa kanyang opisyal na Instagram account nito lamang. Sa kanyang post, nagpasalamat si Maris sa medical staff na tumulong sa kanya/ Dahil dito, inulan ng well wishes ang aktres mula sa kanyang mga fans.
Samantalang noong taon din na iyon ay pinuri ni Maris Racal ang mga Pilipina dahil sa kanilang lakas, lalo na ang mga nagtatagumpay sa male-dominated na mga fields, at sinabi niyang, "Sobrang nagkaroon ng matinding respeto sa kanila." Ibinahagi rin niya na ang paggawa sa Incognito, ang kanyang unang action series, ay nangailangan ng malaking adjustment kumpara sa kanyang mga nakaraang papel sa TV dramas at rom-com na proyekto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh