Ellen Adarna, napa-hirit sa cheating confession ng Olympian na si Sturla Holm Laegreid

Ellen Adarna, napa-hirit sa cheating confession ng Olympian na si Sturla Holm Laegreid

  • Napahirit kamakailan si Ellen Adarna sa Instagram dahil sa Norwegian athlete na si Sturla Holm Laegreid
  • Ito ay matapos umamin ang Olympian sa pag-cheat niya sa kanyang girlfriend sa isang televised interview
  • Sa kanyang Instagram stories ay nag-repost si Ellen ng ilang matatapang na pahayag mula sa ibang netizens
  • Marami rin ang natawa at naaliw sa pagiging candid ni Ellen sa naturang isyu ni Laegreid

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi pinalampas ni Ellen Adarna ang kontrobersyal na pag-amin ng Norwegian Olympian na si Sturla Holm Laegreid tungkol sa panloloko nito sa kanyang girlfriend. Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Ellen ng ilang screenshots ng televised interview kung saan makikitang umiiyak si Laegreid sa 2026 Winter Olympics.

Ellen Adarna, napa-hirit sa cheating confession ng Olympian na si Sturla Holm Laegreid
Photos: @magicliwanag via @maria.elena.adarna, @k_voigt_fotografie via @sturlal on Instagram
Source: Instagram
"At least umamin. Hahahaha, di na need ang screenshots LOL," biro ni Ellen sa kanyang post.
Ellen Adarna, napa-hirit sa cheating confession ng Olympian na si Sturla Holm Laegreid
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa post na ito ay shinare din ng dating aktres ang pagninilay ng ilang mga netizens sa ginawang pag-amin ng Olympian tungkol sa kanyang pag-cheat sa live television.

Read also

Hollywood actor na si James Van Der Beek, sumakabilang-buhay na

Sa isang post, binansagan kasi ng isang netizen na "narcissist" si Laegreid at agad na sinabihan ang girlfriend nito na, "Run fast and don't look back, girl." Dito ay napa-comment din si Ellen at sinabing, "Cry cry yarn?"
Ellen Adarna, napa-hirit sa cheating confession ng Olympian na si Sturla Holm Laegreid
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram
Bukod pa rito ay ni-repost din ni Ellen ang isang comment ng netizen na tila napabiro na lamang sa pag-amin ni Laegreid. Kasama ng post na ito ay ang isang maikling caption mula kay Ellen: "9 days > 3 months, LOOOOL," na pumukaw naman sa atensyon ng marami.

Matatandaan na noong November 2025 lamang ay naging laman ng balita si Ellen nang akusahan niya ang estranged husband niya na si Derek Ramsay ng infidelity.

Ellen Adarna, napa-hirit sa cheating confession ng Olympian na si Sturla Holm Laegreid
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.darna
Source: Instagram

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

Dianne Medina, naging tapat sa bagong misyon niya para sa kanyang kalusugan

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Ellen Adarna ng mga litrato kung saan makikitang ine-enjoy niya ang oras kasama ang kanyang mga "babies." Sinabi ni Ellen na sa kabila ng mga hamon sa buhay, ang oras kasama ang kanyang mga anak ang pinakamahalaga sa lahat. Sa post, ipinakita rin niya ang mga handwritten na notes ni John Lloyd Cruz para sa anak nilang si Elias Modesto Cruz. Dahil dito, maraming netizens ang natuwa sa magandang co-parenting dynamic nina Ellen at John Lloyd para sa kanilang anak.

Samantalang ay nag-post si Ellen Adarna sa kanyang Instagram ng isang makahulugang mensahe tungkol sa mga taong "mabuti" lamang kapag nasa harap ng camera, bagay na pumukaw sa atensyon ng maraming netizens. Ibinahagi ni Ellen sa post na na mayroon silang pinagtatawanan sa kanyang 'group chat.' Aniya Ellen sa isang inidibidwal na hindi niya pinangalanan, "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco