Hollywood actor na si James Van Der Beek, sumakabilang-buhay na
- Pumanaw ang sikat na US actor na si James Van Der Beek nitong Miyerkules sa edad na 48 matapos ang kanyang pakikipaglaban sa colorectal cancer
- Kinumpirma ng kanyang asawa na si Kimberly ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang madamdaming post sa Instagram
- Nakilala ang aktor bilang bida sa sikat na teen drama series na "Dawson's Creek" noong huling bahagi ng 90s
- Iniwan ni Van Der Beek ang kanyang asawa at anim na anak matapos ang ilang taon na pagpapagamot sa kanyang kondisyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Namamayapa na ang Hollywood actor na si James Van Der Beek, ang bituin na nagbigay-buhay sa karakter ni Dawson Leery sa tanyag na seryeng "Dawson's Creek." Siya ay pumanaw nitong Miyerkules sa edad na 48 matapos ang pakikipaglaban sa colorectal cancer.

Source: Instagram
Sa isang opisyal na pahayag sa Instagram na ibinahagi rin ng kanyang asawang si Kimberly, sinabing mapayapang namaalam ang aktor. Ayon sa post, “Our beloved James David Van Der Beek passed peacefully this morning. He met his final days with courage, faith, and grace.”
Noong 2024 pa unang inanunsyo ng aktor ang kanyang cancer diagnosis. Dahil sa laki ng gastusin sa pagpapagamot, napaulat noong 2025 na binalak niyang ibenta ang ilang mahahalagang memorabilia mula sa "Dawson's Creek," kabilang ang kwintas na ibinigay ng kanyang karakter na si Dawson kay Joey noong kanilang prom.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, humiling ang pamilya ng katahimikan habang sila ay nagluluksa. Ayon sa Instagram post, “There is much to share regarding his wishes, love for humanity and the sacredness of time. Those days will come. For now we ask for peaceful privacy as we grieve our loving husband, father, son, brother, and friend.”

Read also
Izzy Trazona, inilabas ang text convo nila ng kanyang trans child: "Ayoko na sana i-public ito"
Si James Van Der Beek ay sumikat nang husto mula 1998 hanggang 2003 dahil sa "Dawson’s Creek," isang teen drama na tumalakay sa buhay ng magkakaibigan sa isang maliit na bayan sa Massachusetts. Bagama't bumida rin siya sa mga pelikulang gaya ng "Varsity Blues" at "The Rules of Attraction," laging nakakabit sa kanya ang imahe ng kanyang karakter sa telebisyon.
Gayunpaman, hindi ito kailanman naging isyu para sa aktor. Sa isang panayam noong 2011, sinabi niya na, “Overall, I've worn my past with pride rather than seeing it as something to get rid of.”
Bukod sa pagpanaw ni Van Der Beek, sari-saring balita rin ng pagluluksa ang bumalot sa industriya ng sining nitong mga nakaraang buwan.
Comedian na si ‘Kuhol’ pumanaw na matapos ang laban sa pneumonia at iba pang health complications.Sa ulat na ito, kinumpirma ang pagpanaw ng komedyanteng si Kuhol o Michael Roy sa totoong buhay. Ayon sa kanyang pamilya, matagal ding nakipaglaban ang komedyante sa sakit na pneumonia bago ito tuluyang bumigay. Maraming mga kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ng batikang komedyante.
Veteran actor na si Raoul Aragon, pumanaw na sa edad na 78; kumpirmado ng pamilya.Ang beteranong aktor na si Raoul Aragon, na nakilala sa mga action movies noong dekada '80 at '90, ay namaalam na rin sa edad na 78. Kinumpirma ng kanyang mga mahal sa buhay ang balita at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang karera sa loob ng maraming taon. Kilala si Aragon sa kanyang mga markadong pagganap na nag-iwan ng bakas sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
