Candy Pangilinan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina na si Dori
- Ibinalita ni Candy Pangilinan ang mapayapang pagpanaw ng kanyang inang si Dori Espiritu nitong February 10, 2026
- Humingi ng panalangin ang aktres para sa kapayapaan ng kaluluwa ng kanyang ina at para na rin sa kanilang pamilya
- Aniya Candy, gaganapin ang viewing para kay Mommy Dori sa Claret Seminary sa Quezon City
- Sa post, labis na binigyang-pugay ni Candy ang buhay ng kanyang ina na puno ng pagmamahal
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng matinding kalungkutan, ibinahagi ng aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan ang balitang pumanaw na ang kanyang mahal na ina na si Dori Espiritu. Sa isang Instagram post, ipinaalam ni Candy na mapayapang lumisan ang kanyang ina ngayong taon.

Source: Instagram
"With God's unconditional love Mother/Sis Dori has peacefully met her creator today, February 10, 2026," mensahe ni Candy sa kanyang mga followers.
Sa naturang post niya sa Instagram ay nanawagan siya ng suporta at dasal mula sa publiko para sa kanilang pamilya sa panahong ito ng matinding pagluluksa.

Read also
Izzy Trazona, inilabas ang text convo nila ng kanyang trans child: "Ayoko na sana i-public ito"
Inanyayahan ni Candy ang kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan na makiisa sa pagdiriwang ng buhay ng kanyang ina. Ayon sa post, gaganapin ang viewing sa Claret Seminary, Quezon City.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Puno ng pasasalamat si Candy sa naging buhay ng kanyang ina na aniya ay naging inspirasyon dahil sa pagmamahal at dedikasyon nito. "Please come and join us, as we celebrate her life of love and service," dagdag pa niya sa kanyang madamdaming post.
Matatandaan na noong January lamang ay ibinahagi pa nga ni Candy ang kanyang saya na makakauwi na ang kanyang ina matapos ang 9 na araw nito sa ospital.
Hindi man nabanggit ni Candy ang dahilan kung bakit na-ospital si Mommy Dori noon ay marami siyang pinasalamatan na doktor sa pag-aasikaso sa kanila.
Sa ngayon ay inulan naman ang panibagong post na ito ni Candy ng pakikiramay mula sa mga netizens at sa kanyang malalapit na mga kaibigan sa industriya.
Si Candy Pangilinan ay isang beteranang Filipinang aktres at komedyante na kinikilala sa kanyang malawak na kontribusyon sa pelikula at telebisyon. Sa kabuuan ng kanyang karera, gumanap si Candy ng maraming supporting roles sa mga romantic comedy at pati na rin sa mga sitcom sa telebisyon. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang manunulat at negosyante. Mayroon siyang anak na lalaki na si Quentin, at kilala rin siya bilang isang mapagmahal at dedikadong ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay ipinagdiwang ni Candy Pangilinan ang ika-22 kaarawan ng kanyang anak na si Quentin sa isang taos-pusong pagbati sa Instagram. Sa kanyang post, tinawag ni Candy si Quentin na kanyang "ticket to heaven," na nagpapakita ng kanilang malalim na samahan. Ibinahagi rin ng aktres ang mga masayang sandali ng kanilang selebrasyon.
Samantalang noong taon din na iyon ay muling nagbigay ng aliw at tawa si Candy Pangilinan sa social media. Ibinahagi kasi niya ang screenshot ng kanilang text conversation ng anak niya na si Quentin. Sa usapan, nagpaplano sila tila tungkol sa darating na misa, at si Quentin ay masiglang nakikipagpalitan ng mensahe. Agad namang nag-viral ang kanilang convo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
