Izzy Trazona, inilabas ang text convo nila ng kanyang trans child: "Ayoko na sana i-public ito"
- Nag-post kamakailan si Izzy Trazona sa Instagram ng screenshot ng huling pag-uusap nila ng kanyang anak
- Inamin ni Izzy na ayaw niya sanang isapubliko ang usapan, ngunit napilitan siya dahil sa komento ng mga netizens
- Sa kanilang mensahe, makikita ang pagmamahalan at suporta ng mag-ina para sa isa't isa
- Nanawagan din ang dating SexBomb member sa publiko na wag manghusga lalo na kung hindi alam ang totoo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng mahinahon ngunit diretsang pahayag ang dating SexBomb member na si Izzy Trazona-Aragon upang tapusin na ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanila ng kanyang trans child na si Sofia Trazona.

Source: Instagram
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ipinakita ni Izzy na nananatiling maayos at puno ng pagmamahal ang kanilang relasyon.
"Ayoko na sana i-public ito, pero ang dami na naman lumalabas at nagco-comment even if they don’t know the truth behind," paliwanag ni Izzy sa kanyang caption.
Ayon sa kanya, mahirap man pero pinipilit pa rin niyang intindihin ang mga taong mabilis magbigay ng opinyon nang hindi nalalaman ang buong katotohanan.

Read also
Rochelle Pangilinan, emosyonal sa pasasalamat niya sa fans sa kabila ng kanilang concert mishap
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa screenshot na ibinahagi ni Izzy, mababasa ang mensahe ng kanyang anak na nagsasabing, "I'm so happy and proud of you! In spite of everything, you still sticked to what you know is right."
Nagpahayag din ang kanyang anak ng galak nang makita itong nasa concert kasama ang mga kaibigan.
Hindi naman nagpaawat ang dating SexBomb member sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal bilang ina.
"Salamat anak, by His strength, always. I miss you! Continue to be strong praying for you always," sagot ni Izzy sa kanilang convo. Nagtapos ang kanilang usapan sa pagpapalitan ng matatamis na "I love you" at pangakong laging ipagdarasal ang isa't isa.
Ang SexBomb Girls ay isang sikat na grupong Filipino dancers at performers. Nabuo sila bilang dance group sa noontime show na Eat Bulaga!, kung saan sila ay naging bahagi ng segment na 'Laban o Bawi.' Kilala ang grupo sa kanilang energetic at daring dance performances, pati na rin sa kanilang mga catchy na kanta tulad ng Spaghetti, Get Get Aww, at Bakit Papa. Dahil sa kanilang kakaibang estilo at malakas na stage presence, mabilis silang naging household name at isa sa mga pinakasikat na girl groups sa Pilipinas noong kanilang kasikatan. Bukod sa pagsasayaw, pumasok din ang SexBomb Girls sa mundo ng musika, pelikula, at telebisyon. Ilan sa mga miyembro tulad nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, at iba pa ay nagkaroon ng kani-kanilang karera sa pag-arte at hosting matapos ang kanilang panahon sa grupo.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Cynthia Yap-Chingco sa Instagram para magpasalamat at magbigay ng suporta sa kanyang mga kasama sa SexBomb. Sinabi ni Cynthia na napatunayan ng lahat kung gaano katapang si Aira Bermudez sa kabila ng mga nangyari. Aniya Cynthia, talagang "na-alarma" sila sa naging sitwasyon ni Aira sa gitna ng kanilang performance sa concert.
Samantalang noong 2025 ay inihayag ni Rochelle Pangilinan na "sumugal" sila nang magdesisyon na magkaroon ng SexBomb reunion concert. Ibinunyag niya na "walang gustong mag-produce" at puno ito ng kawalan ng kasiguraduhan. Aniya Rochelle, ang kanilang layunin ay makapagpasalamat at makapagbigay ng regalo sa kanilang fans. Para kay Rochelle, ang fans nila ang "backbone."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
