Ice Seguerra, may emosyonal na post sa 'first birthday in heaven' ni Mommy Caring

Ice Seguerra, may emosyonal na post sa 'first birthday in heaven' ni Mommy Caring

  • Ipinagdiwang ni Ice Seguerra ang unang kaarawan ng kanyang ina, si Mommy Caridad, sa langit
  • Inamin ng singer na bagama't malungkot pa rin, mas magaan na ang kanyang loob ngayon
  • Binanggit ni Ice na siguradong kasama na ngayon ng kanyang ina ang "boylet" nito
  • Ipinangako ni Ice na kahit wala na ang kanyang ina, mananatili itong bahagi ng kanyang araw-araw na buhay

Isang matamis ngunit nakakadurog-puso na mensahe ang ibinahagi ni Ice Seguerra sa Instagram para sa espesyal na araw ng kanyang namayapang ina na si Mommy Caridad o Mommy Caring. Ito ang unang pagkakataon na ipinagdiwang nila ang kaarawan nito na wala na ito sa kanilang piling.

Ice Seguerra, may emosyonal sa 'first birthday in heaven' ni Mommy Caring
Ice Seguerra, may emosyonal sa 'first birthday in heaven' ni Mommy Caring (@iceseguerra)
Source: Instagram
"Today is your first birthday in heaven. Your first birthday na hindi ka namin kasama," panimula ni Ice sa kanyang post.

Sa kabila ng pangungulila, sinabi ng singer na hindi na ganun kabigat tulad ng dati ang kanyang nararamdaman.

"Honestly, malungkot pa rin pero siguro hindi na ganun kabigat kasi alam kong malaya ka na," pag-amin niya.

Read also

Anne Curtis, nagsalita na sa unang pagkakataon ukol sa 'I can buy you' 2013 issue niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang sulat, nakuha pa ngang biruin ni Ice ang ina tungkol sa "boylet" nito na kinagiliwan naman ng ilang fans.

"Kasama mo na rin yung boylet mo na kahit hindi mo aminin, alam naming miss na miss mo na," aniya, na naging dahilan para mas maging "maluwag sa loob" nila ang sitwasyon.

Para kay Ice, hindi kailanman mawawala ang presensya ng kanyang ina sa kanyang mga ginagawa.

"Sa bawat gawin ko, sa mga kwentuhan, sa masasaya o malulungkot na moments, kasama kita," pangako ni Ice. Tinapos niya ang post sa pagsasabing, "I hope you're having the grandest birthday, mama. Mahal na mahal kita, mama ko. Happy Birthday!"

Si Ice Seguerra ay isang sikat na aktor at singer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera bilang child star sa segment na 'Little Miss Philippines' sa Eat Bulaga!, at mula noon ay lumabas na siya sa mga pelikula at palabas sa telebisyon, kabilang ang sikat na Okay Ka, Fairy Ko!. Bukod sa husay niya sa pag-arte, kilala rin siya bilang singer-songwriter. Samantalang noong 2014, nagbago ang kanyang opisyal na pangalan mula Aiza Seguerra patungong Ice Seguerra at ibinunyag na nga niya sa publiko ang pagiging transgender niya.

Read also

Cynthia Yapchingco, may madamdaming mensahe para kay Aira Bermudez

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagdiwang ni Ice Seguerra ang ika-13 anibersaryo ng muling pagkikita nila ng asawang si Liza Diño. Sa kanyang Instagram post, inamin ni Ice na mas naging mabuti siyang tao dahil sa pagmamahal at presensya ni Liza sa kanyang buhay. Ibinahagi rin ng singer ang katuwaan sa ideya na sabay silang tatanda at magbabago ang pamumuhay habang magkasama.

Samantalang noong August 2025 ay namahagi ng kanyang karanasan bilang chairperson noon ng NYC si Ice Seguerra. Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, napag-usapan nila ang National Youth Commission. Dito ay nag-open up si Ice sa kanyang mga ikina-frustrate bilang chairperson noon. Aniya pa nga niya sa aktres sa kanilang viral interview, "I felt like I'd be cheating the youth."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco