Anne Curtis, nagsalita na sa unang pagkakataon ukol sa 'I can buy you' 2013 issue niya
- Sa unang pagkakataon ay binasag na ni Anne Curtis ang kanyang katahimikan tungkol sa viral na linyang "I can buy you, your friends, and this club" na kinasangkutan niya noong 2013
- Nabanggit ito ng Kapamilya star sa podcast nina Antoinette Jadaone at JP Habac na 'Ang Walang Kwentang Podcast'
- Ayon sa aktres, nalaman lang niya ang totoong nangyari dahil sa kanyang mga kaibigan
- Sa kabila ng kontrobersya, itinuturing na ni Anne na "iconic" ang linyang ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapos ang mahigit isang dekada, hinarap na ni Anne Curtis ang isa sa pinaka-iconic na linya sa Philippine showbiz—ang kanyang naging issue sa isang bar noong 2013. Sa pinakabagong episode ng 'Ang Walang Kwentang Podcast,' naging tapat ang aktres sa kung ano nga ba ang totoong nangyari.

Source: Instagram
"Alam mo, ang kwento dyan... tinanong ko ang mga friends ko, 'Sinabi ko ba talaga yun?' Para ma-own ko siya kung sinabi ko man," panimula ni Anne.
Ngunit ayon sa kanyang mga kaibigan na kasama niya noong gabing iyon, "No, you didn't say it."
Laking gulat na lamang daw ni Anne dahil sa loob ng maraming taon ay naniwala siya at ang publiko na binitawan niya ang matapang na linyang "I can buy you, your friends, and this club."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinaliwanag ni Anne na hindi na siya naglabas ng pahayag noon dahil sa dami ng nangyari sa gabing iyon.
"Madaming nangyari sa gabing yun na hindi ko na lang sinabi... bakit pa ako maglalaglag ng tao, bakit pa? Parang okay na yun," dagdag niya. Naniniwala rin siya na kahit ano pa ang sabihin niya noon ay hindi na magbabago ang tingin ng mga tao.
Ngayong 2026, tila mas panatag na ang aktres sa usaping ito. Dahil naging bahagi na ng pop culture ang nasabing linya at masaya na siyang sakyan ang biro.
"It's so iconic now, I'm just going to own it!" natatawang sabi ni Anne.
Sa huli, nagpasalamat pa rin siya sa mga blessings na dumating sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersya.

Read also
Rochelle Pangilinan, nag-post ukol sa akisdente sa 'SexBomb' Concert: "Babangon at babangon kami!"
Si Anne Curtis-Smith ay isang Filipino-Australian na aktres at TV host. Nakilala siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, at Dyosa. Simula noong 2009, isa na siyang pangunahing host ng noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine ay isa ring aktres. Sa personal na buhay, ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff. Noong 2020, isinilang nila ang kanilang unang anak na si Dahlia Amélie.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Anne Curtis na mala-"waves" ang dating ng lungkot simula nang pumanaw ang kanyang ama. Aniya Anne, dahil dito ay nagbigay ng payo ang anak niyang si Dahlia. Dahil dito ay naantig ang marami sa ibinahagi ni Anne. Bagama't mahirap man ay unti-unting bumabalik sa trabaho ang kilalang aktres.
Samantalang ay nag-viral ang naging hirit ni Anne Curtis sa 'It's Showtime' habang pino-promote ang pelikulang "The Loved One." Pabirong sinabi ng aktres na kung ayaw ng mga manonood sa English dialogue ay wag na lang sila manood. Ang hirit na ito ay tila pagpapatuloy ng kanyang viral na sagot sa isang basher sa platform na X kamakailan. Nakatakdang ipalabas ang The Loved One sa mga sinehan nationwide simula ngayong February 11.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
