Rochelle Pangilinan, emosyonal sa pasasalamat niya sa fans sa kabila ng kanilang concert mishap

Rochelle Pangilinan, emosyonal sa pasasalamat niya sa fans sa kabila ng kanilang concert mishap

  • Inamin ni Rochelle Pangilinan na naging isang malaking "roller coaster ride" ang naging karanasan nila sa concert
  • Nagkaroon ng mga hindi inaasahang problema sa gitna ng show na talagang sumubok sa kanila
  • Labis ang pasasalamat ni Rochelle sa mga fans na hindi sila iniwan at tumulong pa nga sa kanila
  • Sa kabila ng mga aberya, naramdaman ng grupo ang tagumpay dahil sa lakas ng palakpak at suporta ng mga manonood

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi naging madali ang pinagdaanang pagsubok ng grupong SexBomb sa kanilang nakaraang concert, at ito ay ibinahagi ni Rochelle Pangilinan sa isang madamdaming post sa social media. Ayon kay Rochelle, parang isang "roller coaster ride" ang naging takbo ng kanilang pagtatanghal dahil sa mga problemang hinarap nila.

Rochelle Pangilinan, emosyonal sa pasasalamat niya sa fans sa kabila ng kanilang concert mishap
Photos: @rochellepangilinan, @niceprintphoto on Instagram
Source: Instagram
"Nasaksihan ng LAHAT ang aming roller coaster ride sa concert na 'to," sabi ni Rochelle.

Inamin niya na hindi naging perpekto ang lahat at dumating sila sa punto na talagang nahirapan ang grupo.

Read also

Cynthia Yapchingco, may madamdaming mensahe para kay Aira Bermudez

"Nagkaroon ng mga problema.. hindi niyo kami binash, bagkus.. tinulungan niyo kaming makabangong muli. Muling pinalakas ang loob sa kabila ng unti unti kaming nalalagas at aaminin kong... pinanghinaan ng loob...," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito ay laking pasasalamat ni Rochelle dahil imbis na batikusin ay tinulungan pa sila ng kanilang mga fans.

Para sa kanya, ang bawat sigaw at palakpak mula sa audience ang naging hudyat na nalampasan nila ang pagsubok.

Sabi ni Rochelle sa kanyang caption, "Ang NAPAKALAKAS na palakpak at sigawan na nagsasabing nagtagumpay kami at HINDI NYO KAMI INIWAN." Tinapos niya ang kanyang post sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa lahat ng "PINALAKI NG SEXBOMB."

Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.

Read also

Ruffa Gutierrez, may pasilip sa 84th birthday celebration ng kanyang ama

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinasalamatan ni Rochelle Pangilinan ang P-pop group na BINI para sa regalong ibinigay nila sa kanyang anak na si Shiloh. Ayon kay Rochelle, higit sa materyal na bagay ay ang "core memory" at inspirasyong ibinigay ng grupo sa kanyang anak na isang fan. Sinabi ng aktres na ang sandaling iyon ay mananatili habambuhay sa kanyang puso bilang isang nanay. Kinilala rin ni Rochelle ang suporta ng asawang si Arthur Solinap sa post.

Samantalang ay naglabas ng mahalagang paalala si Rochelle Pangilinan para sa mga fans na nagnanais bumili ng tickets para sa "rAWnd 3" ng SexBomb concert. Binigyang-diin ng aktres na hindi pa sold out ang mga tickets nila at siya ay nakiusap din sa mga fans na dagdagan ang pasensya sa pagbili ng mga tickets. Nagbabala rin siya laban sa mga scammers na posibleng samantalahin ang pagkakataon. Bukod pa rito ay diretsahan din niyang sinagot ang mga katanungan tungkol sa pangarap ng grupo na balang araw ay makapag-perform sa Philippine Arena sa Bulacan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco