Rochelle Pangilinan, nag-post ukol sa akisdente sa 'SexBomb' Concert: "Babangon at babangon kami!"
- Inamin ni Rochelle Pangilinan na hindi maiiwasan ang mga aberya o aksidente sa isang malaking live show
- Diretsahang sinabi ng aktres na bagama’t may mga pagkakamali at may "bumagsak," hindi ito naging hadlang sa kanilang grupo
- Binigyang-diin ni Rochelle na ang tatak SexBomb ay ang hindi pagsuko at laging pagbangon mula sa anumang hamon
- Sa kabila ng nangyari, excited at palaban pa rin ang grupo para sa kanilang susunod na pagtatanghal
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang viral na aksidente ni Aira Bermudez sa stunt nito, naglabas ng matapang na pahayag ang original leader ng SexBomb na si Rochelle Pangilinan. Sa kanyang Instagram post, muling pinatunayan ni Rochelle kung bakit sila tinaguriang "palaban" sa industriya.

Source: Instagram
Hindi naghugas-kamay si Rochelle sa naging takbo ng kanilang reunion concert na 'Rawnd 4.'
"Hindi maiiwasan ang aksidente. Oo, may flaws. Oo, may bumagsak," pag-amin ng aktres. Ayon sa kanya, bahagi talaga ng bawat live performance ang mga panganib, lalo na sa mga buwis-buhay na choreography nila.

Read also
Aira Bermudez, nagsalita na ukol sa aksidenteng na-encounter niya sa 'Rawnd 4' SexBomb Concert
Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginamit ni Rochelle ang pagkakataon para ipakita ang katatagan ng kanilang samahan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Pero Sexbomb kami — Babangon at babangon kami. Walang atrasan," mariin niyang pahayag. Siniguro rin niya sa mga fans na hinding-hindi sila susuko sa pagbibigay ng de-kalidad na entertainment.
Kasabay ng kanyang post ang mga larawan ng kanilang grupo sa stage na punong-puno ng energy at determinasyon.
Sinabi rin ni Rochelle na "hinding hindi babawi... kahit mano-mano!" bilang pagpapakita na ang diwa ng kanilang grupo ay hindi nawawala sa paglipas ng panahon.
Sa huli, tinapos ni Rochelle ang kanyang mensahe sa isang nakaka-excite na teaser: "Round 5! FIGHT!" na tila nagpapahiwatig na mas marami pang dapat abangan ang kanilang mga loyal fans.
Ang SexBomb Girls ay isang sikat na grupong Filipino dancers at performers. Nabuo sila bilang dance group sa noontime show na Eat Bulaga!, kung saan sila ay naging bahagi ng segment na 'Laban o Bawi.' Kilala ang grupo sa kanilang energetic at daring dance performances, pati na rin sa kanilang mga catchy na kanta tulad ng Spaghetti, Get Get Aww, at Bakit Papa. Dahil sa kanilang kakaibang estilo at malakas na stage presence, mabilis silang naging household name at isa sa mga pinakasikat na girl groups sa Pilipinas noong kanilang kasikatan. Bukod sa pagsasayaw, pumasok din ang SexBomb Girls sa mundo ng musika, pelikula, at telebisyon. Ilan sa mga miyembro tulad nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, at iba pa ay nagkaroon ng kani-kanilang karera sa pag-arte at hosting matapos ang kanilang panahon sa grupo.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinasalamatan ni Rochelle Pangilinan ang P-pop group na BINI para sa regalong ibinigay nila sa kanyang anak na si Shiloh. Ayon kay Rochelle, higit sa materyal na bagay ay ang "core memory" at inspirasyong ibinigay ng grupo sa kanyang anak na isang fan. Sinabi ng aktres na ang sandaling iyon ay mananatili habambuhay sa kanyang puso bilang isang nanay.
Samantalang ay nag-post si Evette Pabalan ng mga litrato ng kanilang reunion ni Izzy Trazona na puno ng emosyon at kulitan.. Nag-share ang SexBomb star ng dalawang Instagram updates na nagpapakita ng mga seryoso at nakakatawang sandali sa kanilang pagkikita.. Nagpahayag siya ng pagmamahal at saya na sa wakas ay muling nagtagpo ang landas nila ng kaniyang matagal na kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
