Aira Bermudez, nagsalita na ukol sa aksidenteng na-encounter niya sa 'Rawnd 4' SexBomb Concert

Aira Bermudez, nagsalita na ukol sa aksidenteng na-encounter niya sa 'Rawnd 4' SexBomb Concert

  • Nagkaroon ng hindi inaasahang aksidente si Aira Bermudez habang ginagawa ang kanyang aerial stunt sa 'Rawnd 4' SexBomb Concert
  • Agad na nag-post ang dancer para sabihing nasa mabuting kalagayan na siya matapos ang mishap
  • Sa kabila ng pagbagsak, itinuloy pa rin ni Aira ang pag-perform dahil ayaw niyang mabigo ang mga fans na nanonood sa kanila
  • Binigyang-diin niya na ang pagiging miyembro ng SexBomb ay pagiging palaban sa anumang hamon ng buhay

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Pinatunayan ni Aira Bermudez-Inovero na tunay siyang palaban matapos ang isang nakakakabang insidente sa gitna ng 'Rawnd 4' SexBomb Concert. Maraming fans ang nag-alala nang magkaroon ng aberya ang aktres habang isinasagawa ang kanyang buwis-buhay na stunt.

Aira Bermudez, nagsalita na ukol sa aksidenteng na-encounter niya sa 'Rawnd 4' SexBomb Concert
Photos: Nice Print Photo, Aira Bermudez-Inovero on Facebook
Source: Facebook
Sa kanyang Facebook post, hindi itinanggi ni Aira na nagkaroon siya ng aksidente kagabi. "Bumagsak man ako kagabi at naaksidente pero babangon at lalaban tayo ngayon," matapang na pahayag ni Aira.

Siniguro rin niya sa lahat na maayos ang kanyang pakiramdam.

Read also

Rochelle Pangilinan, labis ang pasasalamat sa BINI dahil sa regalo nila kay Shiloh

"I'm okay, nothing serious happened and I'm ready. The show must go on! See you later!" dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi rin ni Aira ang mga larawan ng kanyang nakakamanghang aerial performance kung saan makikita siyang nakasabit sa ere gamit ang tela at straps. Bagama't delikado, bakas sa kanyang mukha ang dedikasyon na magbigay ng magandang show para sa kanilang mga taga-suporta.

Sa huli, isang mensahe ng katatagan ang iniwan ng dating SexBomb leader na tumatak sa marami.

"Hindi ako pinalaki ng SexBomb para bumawi— pinalaki ako para LUMABAN," saad ni Aira.

Dahil dito, lalong humanga ang mga netizens sa kanyang professionalism at matinding determinasyon.

Ang SexBomb Girls ay isang sikat na grupong Filipino dancers at performers. Nabuo sila bilang dance group sa noontime show na Eat Bulaga!, kung saan sila ay naging bahagi ng segment na 'Laban o Bawi.' Kilala ang grupo sa kanilang energetic at daring dance performances, pati na rin sa kanilang mga catchy na kanta tulad ng Spaghetti, Get Get Aww, at Bakit Papa. Dahil sa kanilang kakaibang estilo at malakas na stage presence, mabilis silang naging household name at isa sa mga pinakasikat na girl groups sa Pilipinas noong kanilang kasikatan. Bukod sa pagsasayaw, pumasok din ang SexBomb Girls sa mundo ng musika, pelikula, at telebisyon. Ilan sa mga miyembro tulad nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia, at iba pa ay nagkaroon ng kani-kanilang karera sa pag-arte at hosting matapos ang kanilang panahon sa grupo.

Read also

Kiray Celis, ibinida ang 'dream car' na katas ng pagtitinda niya online

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inihayag ni Rochelle Pangilinan na "sumugal" sila nang magdesisyon na magkaroon ng SexBomb reunion concert. Ibinunyag niya na "walang gustong mag-produce" at puno ito ng kawalan ng kasiguraduhan. Aniya Rochelle, ang kanilang layunin ay makapagpasalamat at makapagbigay ng regalo sa kanilang fans. Para kay Rochelle, ang fans nila ang "backbone."

Samantalang ay nag-post si Evette Pabalan ng mga litrato ng kanilang reunion ni Izzy Trazona na puno ng emosyon at kulitan.. Nag-share ang SexBomb star ng dalawang Instagram updates na nagpapakita ng mga seryoso at nakakatawang sandali sa kanilang pagkikita.. Nagpahayag siya ng pagmamahal at saya na sa wakas ay muling nagtagpo ang landas nila ng kaniyang matagal na kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco