Rochelle Pangilinan, labis ang pasasalamat sa BINI dahil sa regalo nila kay Shiloh

Rochelle Pangilinan, labis ang pasasalamat sa BINI dahil sa regalo nila kay Shiloh

  • Pinasalamatan ni Rochelle Pangilinan ang P-pop group na BINI para sa regalong ibinigay nila sa kanyang anak na si Shiloh
  • Ayon kay Rochelle, higit sa materyal na bagay ay ang "core memory" at inspirasyong ibinigay ng grupo sa kanyang anak na isang fan
  • Sinabi ng aktres na ang sandaling iyon ay mananatili habambuhay sa kanyang puso bilang isang nanay
  • Kinilala rin ni Rochelle ang suporta ng asawang si Arthur Solinap sa pagtupad ng mga pangarap ng kanilang unica hija

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi napigilan ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan na maging emosyonal at ibahagi ang kanyang pasasalamat para sa sikat na girl group na BINI. Sa kanyang social media post, ipinahayag ni Rochelle kung gaano kalaki ang naging epekto ng kabutihan ng grupo sa kanyang anak na si Shiloh.

Rochelle Pangilinan, labis ang pasasalamat sa BINI dahil sa regalo nila kay Shiloh
Rochelle Pangilinan, labis ang pasasalamat sa BINI dahil sa regalo nila kay Shiloh
Source: Instagram
"Thank you BINI for the gift you gave my daughter — pero higit sa anumang materyal na bagay, binigyan niyo siya ng core memory na habang-buhay niyang dadalhin," ani Rochelle sa kanyang caption.

Read also

Kiray Celis, ibinida ang 'dream car' na katas ng pagtitinda niya online

Ramdam na ramdam ang saya ng aktres dahil nakita niyang naging inspirasyon ang BINI para sa kanyang anak.

Para kay Rochelle, ang karanasan ni Shiloh na makasalamuha at makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga iniidolo ay isang bagay na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Yung kilig, saya, at feeling na inabutan siya ng pagmamahal at inspirasyon... priceless," dagdag pa niya.

Hindi lang ito naging espesyal para sa bata, kundi pati na rin sa mga magulang nito. Sinabi ni Rochelle na ang sandaling ito ay ituturing niyang kayamanan.

"Hindi lang ‘to memory para sa kanya — memory rin ‘to para sa isang nanay, lalo na sa tatay na laging nakasuporta sa pangarap ng unica hija nya," pagtukoy niya sa asawang si Arthur Solinap.

Sa huli, binigyang-diin ni Rochelle ang pagiging mabait at "generous" ng mga miyembro ng BINI.

Si Rochelle Pangilinan ay isang kilalang Filipina dancer at aktres na unang sumikat bilang founding member at dating leader ng SexBomb Dancers, isa sa pinakasikat na dance groups sa bansa noong early 2000s. Dahil sa kanyang husay sa pagsayaw at malakas na stage presence, naging isa siya sa mga pinaka-recognizable na personalidad sa entertainment industry. Lumawak pa ang kanyang karera nang mapasama siya sa SexBomb Girls bilang recording artist, at nagkaroon sila ng mga hit songs at TV shows. Kalaunan, pumasok siya sa pag-arte at napanood sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies, kung saan napatunayan niya ang kanyang versatility bilang performer. Sa personal na buhay, mas lalong minahal ng publiko si Rochelle nang ibahagi niya ang kanyang journey bilang asawa at ina. Ikinasal siya sa aktor at dancer na si Arthur Solinap noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Shiloh Jayne.

Read also

Ruffa Gutierrez, nagbalik-tanaw sa kaarawan ng kanyang ama: "The past year has been tough for you"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naglabas ng mahalagang paalala si Rochelle Pangilinan para sa mga fans na nagnanais bumili ng tickets para sa "rAWnd 3" ng SexBomb concert. Binigyang-diin ng aktres na hindi pa sold out ang mga tickets nila at siya ay nakiusap din na dagdagan ang pasensya sa pagbili ng mga tickets. Nagbabala rin siya laban sa mga scammers na posibleng samantalahin ang pagkakataon. Bukod pa rito ay diretsahan din niyang sinagot ang mga katanungan tungkol sa pangarap ng grupo na balang araw ay makapag-perform sa Philippine Arena sa Bulacan.

Samantalang ay nag-host si Rochelle Pangilinan ng isang masayang kick-off party para sa kanyang mga tagahanga. Pinasalamatan ng aktres ang kanyang mga fans na kasama na niya mula noong siya ay nagsisimula pa lamang. Inamin ni Rochelle na naging emosyonal siya at napaiyak dahil sa napakagandang mensahe at sorpresang inihanda para sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco