Jinkee Pacquiao, nagbigay ng nakakaantig na birthday message para kay Jimuel
- Ipinagdiwang ni Jinkee Pacquiao ang kaarawan ng kanyang panganay na anak na si Jimuel
- Inihayag ni Jinkee na ang pinakamalaking kagalakan niya ay ang makitang lumaki si Jimuel bilang isang mabuting tao.
- Binanggit din ng ina ang bagong kabanata sa buhay ni Jimuel kasama ang kanyang partner na si Carolina at ang kanilang anak na si baby Clara.
- Nag-alay si Jinkee ng panalangin para sa gabay at pagpapala ng Diyos sa pagsasama at pamilya ng kanyang anak.
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Punong-puno ng pagmamahal at pag-asa ang naging pagbati ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang anak na si Jimuel sa espesyal na araw nito. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Jinkee ang kanyang kagalakan bilang isang ina habang pinagmamasdan ang paglaki at pagbabago sa buhay ng kanyang panganay.

Source: Instagram
"Watching you grow into the man you are today has been my greatest joy," ang naging sweet na pahayag ni Jinkee para kay Jimuel.
Kalakip ng kanyang mensahe ang mga larawan na nagpapakita ng kanilang closeness, kabilang na ang isang litrato kung saan masayang nagyayakapan ang mag-ina.

Read also
Alex Gonzaga, nagbahagi ng makuwelang birthday message kay Daddy Bonoy: "Nalagpasan na niya"
Ngunit ang mas nakakaantig sa kanyang pagbati ay ang pagbanggit sa bagong yugto ng buhay ni Jimuel.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Jinkee, ang makitang nagsisimula na si Jimuel ng sariling pamilya kasama ang kanyang partner na si Carolina at ang kanilang anak na si Baby Clara ay nagbibigay sa kanya ng labis na "pride and joy."
Ipinakita rin sa isang larawan si Jimuel habang maingat na karga ang kanyang munting anak. Bilang isang madasaling ina, nakiusap si Jinkee sa Panginoon na patuloy na gabayan at basbasan ang hinaharap ni Jimuel.
"I pray God’s blessings rest on you, guiding you toward a future filled with the love of God," aniya.
Tinapos niya ang kanyang post sa pagsasabing mahal na mahal at miss na miss na nila si Jimuel.
Si Jinkee Pacquiao ay isang Filipina socialite, media personality, at dating politiko. Kilala siya bilang asawa ng boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao, na pinakasalan niya noong 1999. Nagsilbi rin si Jinkee bilang vice governor ng lalawigan ng Sarangani. Kilala siya sa kanyang marangyang pamumuhay at madalas magbahagi sa social media ng kanyang mga designer outfits.

Read also
Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay ipinakita ni Jinkee Pacquiao ang masayang pagkikita nina Manny Pacquiao at ng kanilang apo, si Baby Clara. Hindi maitago ang tuwa ni Manny habang buong pagmamahal niyang karga ang kanyang first grandchild. Ang mga larawan ay nagpapakita ng sweet moments ng pamilya Pacquiao kasama ang bagong miyembro. Labis naman ang pasasalamat ng mag-asawa, ayon sa kanilang caption na may "#PraiseGod" sa Instagram.
Samantalang noong taon din na iyon ay nagbahagi si Jinkee Pacquiao ng mga larawan ng kanilang pamilya na muling nagkita matapos ang apat na taong pagkakahiwalay. Ang kanilang anak na si Jimuel ay nasa Amerika para sa boxing training habang ang anak naman nilang si Princess ay nag-aaral sa United Kingdom. Inihayag ni Jinkee ang labis na kagalakan at pasasalamat sa kanyang caption, na aniya’y puno ng saya ang kanyang puso bilang isang doting na ina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh