Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"

Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"

  • Isang madamdaming pagbati ang ipinost ni Ara Mina sa Instagram para sa kaarawan ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes
  • Binigyang-diin ni Ara ang pasasalamat niya na meron siyang kapatid tulad ni Cristine na nasa kanyang tabi sa kabila ng lahat ng pagsubok
  • Ibinahagi rin ng aktres ang isang video montage na nagpapakita ng kanilang mahabang journey mula noong mga bata pa sila
  • Nangako si Ara na mananatili siyang "ate" na laging nadiyan at magmamahal kay Cristine

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Cristine Reyes ngayong taon, hindi pinalampas ni Ara Mina ang pagkakataon na ipaabot ang kanyang pagmamahal sa kapatid. Sa isang Instagram post, tinawag ni Ara si Cristine sa palayaw na "Aa" at nagbahagi ng mensaheng tunay na nagmula sa puso.

Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here"
Ara Mina, may nakakaantig na birthday message para kay Cristine Reyes: "Ate will always be here" (@therealaramina)
Source: Instagram

Ayon kay Ara, marami na silang pinagdaanan na "ups and downs" at iba't ibang panahon sa kanilang buhay, ngunit nananatili siyang mapalad na kasama pa rin niya si Cristine.

Read also

Sofia Andres, may pagninilay sa taong 2026: "The weight I carried for years slowly lifted"

"I’m so grateful to have you by my side. We may all be grown up now with kids of our own, but ate will always be here and will love you forever," ang naging sweet na pahayag ng aktres.

Kasabay ng kanyang mensahe ay isang video montage na nagpapakita ng kanilang mga lumang litrato at clips. Makikita sa simula ng video ang mga batang Ara at Cristine na nakasuot ng gown, hanggang sa mga moments nila sa showbiz events, travel, at bonding kasama ang kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sabi ni Ara, ang video na ito ay "isang sulyap" lamang sa kanilang mahabang journey dahil sa rami ng kanilang memories na nagmi-"mean the world" sa kanya.

Maraming netizens ang naantig sa closeness ng magkapatid, lalo na’t kitang-kita ang suporta ni Ara kay Cristine sa lahat ng yugto ng buhay nito.

Si Ara Mina ay isang kilalang Filipina aktres, mang-aawit, at negosyante. Sa paglipas ng mga taon, lumabas siya sa maraming pelikula at shows sa telebisyon, at kinilala dahil sa kanyang pagiging versatile sa pag-arte. Isa sa kanyang pinakatampok na tagumpay ay ang pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 2002 Metro Manila Film Festival para sa kanyang papel sa Mano Po. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang negosyante na may ilang negosyo na pinamamahalaan. Sa kanyang personal naman na buhay, ikinasal siya kay Dave Almarinez sa Baguio noong 2021.

Read also

Sassa Girl, ibinida ang regalo sa kanya ni Marian Rivera

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nagpaantig ng mga puso online si Ara Mina dahil sa kanyang online post. Sa Instagram niya, ibinahagi ni Ara ang pagpunta nila ni Mandy sa Eastwood. Nang makita ang star ni Ara sa 'Walk of Fame' ay agad na nagpa-pic si Mandy. Ngunit ang ginawa nito matapos ang picture taking ay nagpaantig sa marami.

Samantalang noong taon din na iyon ay nagbahagi si Ara Mina ng mensahe para sa kanyang kapatid na si Heidi bilang pagbati sa kaarawan nito, kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel nito sa kanilang pamilya. Nais niya kay Heidi ang mabuting kalusugan, kapayapaan, at pagmamahal. Nag-upload din ang aktres ng ilang larawan mula sa kanilang bakasyon sa beach kasama si Heidi at isa pa nilang kapatid, ang aktres na si Cristine Reyes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: