Kylie Padilla, ibinida ang sweet moment nila ni Axl: "This little boy is my calm"
- Ibinahagi ni Kylie Padilla ang isang video kung saan makikitang masayang nagyayakapan at naglalambingan sila ng kanyang bunsong anak
- Ayon kay Kylie, si Axl Romeo ang nagsisilbing "calm" o nagpapakalma sa kanya sa gitna ng pagiging busy sa trabaho niya sa showbiz
- Sinubukan ni Kylie na bigyan ng "password" si Axl para makabitaw na ito sa yakap, pero mas pinili ng bata na manatiling nakayakap sa kanya
- Sinabi tuloy ng aktres na kaya niyang manatili sa ganung posisyon habambuhay kasama ang kanyang anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Pinakilig ni Kylie Padilla ang kanyang mga followers matapos mag-post ng isang video na nagpapakita ng napakatamis na moment nila ng kanyang bunsong anak na si Axl Romeo. Sa video, makikita ang mag-ina na magkadikit ang mukha habang seryosong naglalambingan.

Source: Instagram
Sa caption na nakalagay sa video, inamin ni Kylie na ito ang kanyang paboritong lugar.
Sinabi niya, "I could stay here forever. Mej nababaliw na si mama sa daming ginagawa. This little boy is my calm." Pagod man si Kylie sa trabaho pero bawing bawi naman ito sa pagmamahal ng kanyang anak.
Isang nakakaaliw na bahagi ng video ay ang pag-amin ni Kylie na akala niya raw ay naaasar na ang kanyang anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Akala ko na-annoy na siya, I gave him a password, he could say kung gusto na niya bumitaw na ako," kwento ni Kylie, pero tila ayaw pa talagang lumayo ng bata sa kanyang nanay. "Ayaw niya sabihin hehehe ang sweet," dagdag pa ng aktres.
Maraming netizens ang natuwa sa ipinakitang closeness ng dalawa. Kitang-kita ang pagiging hands-on ni Kylie bilang ina sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz.
Si Kylie Padilla ay isang aktres, modelo, at mang-aawit na kilala sa kanyang trabaho sa Philippine showbiz. Siya ang anak ni Robin Padilla, isang kilalang action star sa bansa, at ni Liezl Sicangco. Nakilala si Kylie dahil sa kanyang mga roles sa mga serye ng GMA Network. Ipinakita rin niya ang kanyang husay sa iba't ibang drama at romansa na palabas. Sa personal niyang buhay ay ikinasal si Kylie kay Aljur Abrenica noong 2018, at may dalawa silang cute na anak na lalaki.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nakipag-bonding si Kylie Padilla sa kanyang mga fans para sa isang espesyal na year-end get-together. Ipinasilip ng aktres ang mga thoughtful na regalo ng fans, kabilang ang isang Harry Potter-themed cake at 'Hara Amihan' figure. Nagpasalamat si Kylie sa "Kylievers" dahil sa pagiging supportive nito para sa kanya sa lahat ng pagkakataon.
Samantalang noong taon din na iyon ay nag-react si Kylie Padilla sa video ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl na naglalaro kasama ang anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica. Matagal nang umikot ang tsismis tungkol sa pamilya nina AJ at Aljur bago ito kumpirmahin ng aktres. Sinabi ni Kylie na alam na niya ang tungkol dito noon pa at piniling hindi ito ilantad para sa kapakanan ng mga bata. Nagpasalamat si AJ sa magandang relasyon ng kanilang mga anak at nagustuhan ito ni Kylie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

