Glaiza de Castro, labis ang pagka-proud sa premiere ng bago niyang pelikula sa Netherlands

Glaiza de Castro, labis ang pagka-proud sa premiere ng bago niyang pelikula sa Netherlands

  • Dumalo si Glaiza de Castro sa world premiere ng pelikulang "58th" sa International Film Festival Rotterdam (IFFR) sa Netherlands
  • Ang "58th" ay isang documentary tungkol sa Maguindanao Massacre, kung saan bida si Glaiza
  • Ibinahagi ng aktres na kinabahan siya dahil ito ang unang pagkakataon na napanood niya ang kabuuan ng kanilang proyekto
  • Dahil dito ay binati at pinasalamatan siya ng kanyang mga matatalik na kaibigan sa showbiz tulad nina Angelica Panganiban at Gabbi Garcia

Punong-puno ng emosyon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro matapos ang kauna-unahang screening ng kanyang pelikulang "58th" sa Netherlands. Sa kanyang Instagram post, hindi niya naitago ang kaba at saya habang rumampa sa red carpet ng International Film Festival Rotterdam (IFFR).

Glaiza de Castro, labis ang pagka-proud sa premiere ng bago niyang pelikula sa Netherlands
Glaiza de Castro, labis ang pagka-proud sa premiere ng bago niyang pelikula sa Netherlands (@glaizaredux)
Source: Instagram

Ayon kay Glaiza, kakaiba ang naging karanasan nila sa paggawa ng pelikulang ito sa ilalim ng direksyon ni Carl Joseph Papa.

"We shot all of our scenes with minimal practical props and relied mostly on our imagination to envision everything," kwento ni Glaiza sa kanyang caption.

Read also

Anne Curtis, nag-sorry sa isang batang fan niya sa Instagram

Lalo raw naging makabuluhan ang gabi dahil kasama niyang napanood ang pelikula ang mga Pilipinong naninirahan sa Rotterdam. Ang "58th" ay tungkol sa kwento ni Reynaldo "Bebot" Momay, ang ika-58 biktima ng Maguindanao Massacre, at ang laban para sa katarungan ng kanyang anak na si Reynafe Castillo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa tagumpay na ito, agad na nagpaabot ng pagbati ang kanyang mga kaibigan.

Nag-comment si Angelica Panganiban ng "nakaka-proud," habang si Gabbi Garcia naman ay nagsabing, "Congrats big sis!!!!"

Para kay Glaiza, isang malaking karangalan ang maging bahagi ng proyektong ito na nagbibigay-boses sa mga pamilya ng mga biktima.

"It reminded all of us that we should never stop questioning and never lose hope," dagdag pa niya sa kanyang viral na online post sa photo-sharing app.

Si Glaiza de Castro ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa palabas na Cool Dudes noong 2001, at nakilala sa kanyang mga roles sa Stairway to Heaven at Grazilda, at kalaunan ay naging si Pirena sa fantasy series na Encantadia. Bukod sa pag-arte, aktibo ring singer si Glaiza. Sa kanyang personal na buhay, si Glaiza ay ikinasal kay David Rainey noong 2021 sa isang Celtic wedding ceremony na ginanap sa Northern Ireland, United Kingdom.

Read also

Bea Borres, binigyang-pugay ang pagbibigay ng kaniyang apelyido sa anak

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nagbigay si Glaiza de Castro ng taos-pusong pagbati sa birthday ni Angelica Panganiban. Ipinahayag ni Glaiza na "iba na ang takbo ng buhay" nila ngunit nananatili silang magkasama. Aniya Glaiza, hindi sapat ang "20 slides" sa Instagram para iparamdam ang lalim ng kanyang pagmamahal. Talaga namang nagpaantig ng puso ang post na ito ni Glaiza.

Samantalang noong taon din na iyon ay nag-viral si Glaiza de Castro dahil sa kanyang nakakaaliw na post. Sa Instagram, isinapubliko ni Glaiza ang video nila ng kanyang mister. Labis na kinagiliwan ng marami ang ginawa ni Glaiza sa video. Ngunit, ang nagpa-viral pa sa video ay ang comment ng ibang celebrities, lalo na nga ang reaksyon ni Angelica Panganiban.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco