Bea Borres, binigyang-pugay ang pagbibigay ng kaniyang apelyido sa anak

Bea Borres, binigyang-pugay ang pagbibigay ng kaniyang apelyido sa anak

  • Ipinahayag ni Bea Borres na hindi siya kailanman nabo-bother na tawaging isang single mother
  • Ibinahagi ng aktres na isa sa mga pinaka-proud na sandali ng kaniyang buhay bilang isang babae ay ang desisyong ibigay ang apelyido niya sa kanyang anak
  • Nagpakita si Bea ng larawan ng Certificate of Live Birth ng kaniyang anak na si Victoria Hope
  • Diretsahan ding bumanat ang aktres sa mga nagfi-feeling umano na isa silang "ulirang" ama

Sa isang matapang na Facebook post, binasag ni Bea Borres ang kanyang katahimikan patungkol sa mga hamon at diskriminasyong kinakaharap ng mga katulad niyang single mothers.

Bea Borres, binigyang-pugay ang pagbibigay ng kaniyang apelyido sa anak
Bea Borres, binigyang-pugay ang pagbibigay ng kaniyang apelyido sa anak (@beaaborres)
Source: Instagram

Ayon kay Bea, hindi siya nahihiya sa kanyang katayuan dahil alam niya ang kanyang halaga at kung ano ang kaya niyang gawin para sa kanyang anak.

"Being called a single mother never really bothered me because I'm confident and know what I'm capable of," simula ng kaniyang post.

Kalakip nito ay ang larawan ng birth certificate ng kanyang anak na si Victoria Hope, na isinilang noong December 15, 2025. Kapansin-pansin sa dokumento na ang apelyidong "Borres" ang gamit ng bata at walang nakatalang pangalan o impormasyon para sa ama nito.

Read also

Vicki Belo, nakilahok sa viral 2016 'throwback' trend: "My heart is full"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ni Bea na hindi niya maintindihan ang galit o pangungutya ng iba sa mga single mothers, dahil wala naman umanong nangarap na mapunta sa ganitong sitwasyon sa simula pa lamang.

"I still don’t get the shame and hatred towards single mothers, we never wanted to be one in the first place," aniya.

Para sa kanya, ang pagpiling ibigay ang sariling apelyido sa anak ay isa sa mga pinakamahalagang desisyon na ginawa niya bilang isang babae.

Hindi rin nakaligtas sa kanyang matalas na hirit ang mga lalaking nagkukunwaring mabuting ama sa kabila ng kakulangan ng suporta.

"Wag kayong feeling ulirang ama kung stress lang naman inambag niyo," pagtatapos ni Bea sa kaniyang viral post.

Umani ng libo-libong likes at suporta mula sa mga netizens ang kanyang pahayag, kung saan marami ang humanga sa kanyang katatagan bilang isang magulang.

Si Bea Borres ay isang Filipina actress, social media personality at vlogger na nakilala dahil sa kanyang pagiging candid at relatable online. Madalas niyang ibinabahagi sa social media ang mga bahagi ng kanyang araw-araw na buhay at mga personal na karanasan. Bukod sa lifestyle at entertainment content, kilala rin si Bea sa kanyang pagiging bukas tungkol sa mga personal na milestones at hamon niya sa buhay, na nagbibigay-daan sa kanyang audience na makakonekta sa kanya sa mas malalim na paraan. Sa mga nagdaang taon, naging laman din siya ng balita dahil sa mga life updates na malapit sa puso ng kanyang mga followers, na lalo pang nagpapatatag sa kanyang presensiya sa lokal na social media culture.

Read also

Ellen Adarna, may pasaring: "Sana talaga ganyan siya sa totoong buhay"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naglabas ng saloobin si Bea Borres tungkol sa mga tao na humihingi ng pera o "online limos" sa kanya. Binanggit ng content creator na nakakatanggap siya ng mga DMs mula sa mga taong natalo sa online gambl*ng. May mga nag-me-message din sa kanya na nanghihingi ng bagong cellphone kahit na sira na rin ang sarili niyang phone.

Samantalang noong 2025 ay nag-viral si Bea Borres matapos niyang magpahayag ng pakikiramay kay Jillian Ward. Ibinahagi niya ang pagkadismaya dahil sa paniniwala ng lipunan na tila hindi kaya ng babae na maging 'successful.' Sa post, binalikan din ni Bea ang sinasabi ng ama niya noon. Gayunpaman, inamin ni Bea na: "Don't get me wrong, I want pa rin mag-asawa ng mayaman."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco