Lian Paz, naging bukas tungkol sa pagkakaayos nila ni Paolo Contis
- Inamin ni Lian Paz na matagal ang naging proseso ng reconciliation nila ni Paolo Contis
- Sa interview, ibinahagi ni Lian kung paano niya nakita ang sincerity ng kilalang aktor
- Noong una ay naging hesitant sina Lian dahil nais niyang protektahan ang kanyang mga anak mula sa media at mahirap daw muling magtiwala
- Naniniwala si Lian na ang lahat ng ito ay nangyari sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at ang pag-amin na mayroon din siyang mga naging pagkukulang noon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang tapat na panayam kay Tito Boy Abunda, nagbigay ng detalye si Lian Paz tungkol sa tahimik ngunit makabuluhang pag-aayos nila ng kanyang ex-husband na si Paolo Contis.

Source: Instagram
Ayon kay Lian, matagal na panahong nag-reach out si Paolo ngunit pinili nilang panatilihing pribado ang lahat dahil wala na siya sa mundo ng showbiz at hinintay muna niyang tuluyang mag-heal ang kanyang puso.
"Actually, matagal yung process. Nag-reach out siya matagal na, and quiet lang naman talaga kami kasi yun nga, I'm out of the limelight already, and hinintay ko rin naman na mag-heal ako," aniya.
Ikinagulat man ng marami, ibinunyag ni Lian na ang kanyang kasalukuyang asawa na si John Cabahug ang naging tulay sa usapang ito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Nakita ko yung sincerity ni Paolo kasi because more than me, mas nagme-message siya kay John, sa husband ko," kwento ni Lian.
Dagdag pa niya, naging bukas ang komunikasyon nila ni John tungkol dito hanggang sa isang araw ay tinanong siya ni John kung handa na ba siyang basahin ang mensahe ni Paolo.
Hindi naging madali ang desisyong magtiwala muli nung una. Inamin ni Lian na naging "hesitant" sila dahil sa ingay ng showbiz at sa kagustuhan niyang ilayo ang kanyang mga anak sa atensyon ng media.
"But then I've seen his sincerity and I've seen myself also, Tito Boy, na may mga pagkukulang din ako. It's really by the grace of God," pahayag ng dating aktres.
Sa huli, binigyang-diin ni Lian na ang kapayapaang nararamdaman nila ngayon ay bunga ng tamang panahon at pananampalataya. Masaya siya na sa kabila ng masalimuot na nakaraan, nagkaroon sila ng pagkakataong magkaayos para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa kanilang mga anak.
Si Lian Paz ay isang dating Filipina aktres at mananayaw na sumikat bilang miyembro ng sikat na dance group na EB Babes, na kilala sa kanilang mga performances at paglabas sa pelikula, telebisyon, at music videos. Bukod sa pagiging dancer, sumubok din siya sa pag-arte at lumabas sa ilang proyekto sa TV at pelikula, kadalasan bilang supporting actress. Dahil sa kanyang galing at charm, naging pamilyar ang kanyang mukha sa showbiz, ngunit kalaunan ay iniwan niya ang industriya upang mag-focus sa kanyang personal na buhay. Bukod pa rito ay nakilala rin si Lian bilang dating asawa ng komedyanteng si Paolo Contis, kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Xonia at Xalene. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, natagpuan ni Lian ang bagong pag-ibig sa kanyang asawang si John Cabahug.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagdiwang ni Lian Paz ang ika-10 na kaarawan ng kanyang "sweet girl" na si Niña. Sa kanyang Instagram post, hindi makapaniwala ang dating dancer kung gaano kabilis lumaki ang kanyang bunsong anak. Inilarawan ni Lian si Niña bilang isang bata na mapagmahal, caring, at madasalin. Ibinahagi rin niya ang katuwaan dahil grabe rin ang pananalig ng kanyang anak sa Diyos.
Samantalang ay ibinahagi ni Lian Paz ang mga 'never-before-seen' na larawan mula sa kanyang kasal kay John Cabahug noong September 2025. Inilarawan ng dating dancer ang nakaraang taon bilang panahon ng pagtitiwala sa plano ng Diyos at paghihintay. Makikita sa mga larawan ang matatamis na photos nila ni John mula sa naturang ceremony na kinakiligan naman ng maraming netizens sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


