MC at Lassy, nagbigay ng opinyon sa 'presidential buzz' kay Vice Ganda

MC at Lassy, nagbigay ng opinyon sa 'presidential buzz' kay Vice Ganda

  • Sa panayam nina MC Muah at Lassy kay Ogie Diaz, tinalakay nila ang mga lumalabas na ulat at hiling ng ilang fans na pasukin ni Vice Ganda ang mundo ng politika
  • Ayon kay MC at Lassy, matapang si Vice at kayang maging boses ng bayan, lalo na ng LGBTQ+ community, dahil hindi ito natatakot mawalan ng fame o endorsements para sa kanyang prinsipyo
  • Sa kabila ng suporta ng marami, naniniwala ang dalawa na hindi tatakbo si Vice sa politika
  • Ibinahagi rin nila na kahit noong nakaraang eleksyon ay marami na ang nagtulak sa Unkabogable Star, ngunit nanatili itong matatag sa kanyang desisyon na wag pumasok sa gobyerno

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang masayang kwentuhan sa YouTube channel ni Ogie Diaz, naging paksa ang posibilidad ng pagtakbo ni Vice Ganda sa susunod na eleksyon. Bilang mga pinakamalapit na kaibigan ng Unkabogable Star, hiningan nina Ogie Diaz ang opinyon nina MC Muah at Lassy ng Beks Battalion tungkol sa mga usap-usapang ito.

Read also

GMA reporter, Bam Alegre, nahulog sa gilid ng barko habang nagko-cover ng balita

MC at Lassy, nagbigay ng opinyon sa 'presidential buzz' kay Vice Ganda
Photos: Ogie Diaz on YouTube | @praybeytbenjamin on Instagram
Source: Instagram

Ayon kay Lassy at MC, proud sila kay Vice dahil sa tapang nito na magpahayag ng kanyang pananaw sa mga isyung panlipunan.

"Matapang siya," panimula ni Lassy na ipinagpatuloy naman ni MC, "Na hindi natatakot na baka mawala yung fame, baka mawala yung mga endorsements kaya pumapalakpak kami," pahayag nila sa panayam.

Ito raw ang dahilan kung bakit marami ang humihiling na sana ay tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, mabilis na nilinaw nina MC at Lassy na kilala nila si Vice at naniniwala silang hindi ito papasok sa pulitika. Ipinaliwanag nila na kahit noong nakaraang eleksyon pa ay may mga nag-udyok na sa komedyante, ngunit naging malinaw ang sagot nito na "no."

"Hindi siya tatakbo, kilala ko si Vice. Kasi last election, maraming gusto na tumakbo siya pero nag-no siya talaga kasi unang-una, sisiraan lang siya," aniya MC.

Para sa Beks Battalion, sapat na ang plataporma ni Vice sa telebisyon at social media para makatulong sa kapwa nang hindi na kailangang magkaroon ng opisyal na posisyon sa gobyerno.

Read also

17-anyos na babae, tinodas ng ex; bangkay, tinapon sa tapat ng bahay

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot ni Anne Curtis nang diretsahan ang isang netizen na bumatikos sa trailer ng bago niyang pelikula. Ang nasabing pelikula, ang The Loved One, ay ang pinakahihintay na pagbabalik ni Anne sa big screen kasama si Jericho Rosales. Isang maikli ngunit matapang na sagot ang naging tugon ng aktres sa platform na X. Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na biruin ang kaibigan sa naturang site.

Read also

Post ng beauty guru na si Anne Clutz tungkol sa kalusugan ng mister niya, inulan ng dasal

Samantalang ay pinag-usapan sa social media ang nakakatawang comment ni Vice Ganda sa bagong Instagram post ni Nadine Lustre. Nag-post kasi si Nadine ng mga aesthetic photos kung saan nakalutang siya sa tubig. Biro ni Vice, kapag siya ang gumawa nito ay hindi ganoon kaganda ang kinalalabasan. Umani ng libu-libong likes ang hirit na ito ng komedyante dahil sa pagiging makuwela nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco