Andi Eigenmann, todo-suporta para kay Joaquin Arce sa loob ng PBB House
- Nag-post si Andi Eigenmann sa kanyang Instagram stories para hikayatin ang mga fans na iboto si Joaquin Arce
- Tinawag si Joaquin na "Rising Dreamer ng Muntinlupa" habang siya ay nasa loob ng 'Bahay ni Kuya'
- Ipinakita ni Andi ang mga hakbang kung paano boboto gamit ang Maya app para manatili si Joaquin sa 'PBB' house
- Ginamit ni Andi ang terminong "mga silingan" o mga kapitbahay para makiusap na iboto si Joaquin
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ipinakita kamakailan ni Andi Eigenmann ang kanyang suporta para kay Joaquin Arce sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanyang mga followers na i-save si Joaquin sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.

Source: Instagram
Matatandaang si Joaquin ay ang anak ng kilalang film producer na si Neil Arce.
Sa kanyang Instagram story, nag-share si Andi ng poster ni Joaquin na may caption na "BBS JOAQUIN." Hindi rin nakalimutan ni Andi na magbigay ng maikling mensahe para sa kanyang mga taga-suporta.
"On a side note, let's vote for Joaquin!" ang sabi ni Andi sa kanyang post.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil nakabase na si Andi sa Siargao, nakiusap din siya sa kanyang mga kapitbahay doon na suportahan ang batang "Rising Dreamer."
"Ako mga silingan, pagpaload na," dagdag pa niya na may kasamang laughing emojis.
Nagbigay din si Andi ng malinaw na instruction photo kung paano makakaboto ang mga fans gamit ang Maya app. Ayon sa post, pwedeng bumoto ng hanggang 30 beses kada araw para masiguradong ligtas si Joaquin sa susunod na eviction.

Source: Instagram
Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sumali si Matteo Guidicelli sa viral "2016" trend sa Instagram kung saan binalikan niya ang kanyang mga naging ganap noon. Nag-react si Andi Eigenmann sa nasabing post at tinawag si Matteo na kanyang "2016 showbiz friend." Ipinahayag ni Andi ang kanyang pagka-proud sa naging tagumpay ni Matteo sa buhay at sa pag-ibig. Agad din namang nag-reply si Matteo at sinabing proud din siya para sa aktres at umaasang magkikita sila muli.
Samantalang ay masayang ipinagdiwang ni Andi Eigenmann ang ika-limang kaarawan ng kanyang anak na si Koa sa Siargao. Ayon sa kilalang aktres, mas pinili muna niya na unahin ang pag-aasikaso sa "homemade birthday" ng anak bago pa siya mag-post sa social media. Nag-request si Koa na mag-dress up bilang si Hiccup mula sa movie na "How To Train Your Dragon."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

