Andi Eigenmann, napa-comment sa '2016' post ni Matteo Guidicelli
- Sumali si Matteo Guidicelli sa viral "2016" trend sa Instagram kung saan binalikan niya ang kanyang mga naging ganap noon
- Nag-react si Andi Eigenmann sa nasabing post at tinawag si Matteo na kanyang "2016 showbiz friend"
- Ipinahayag ni Andi ang kanyang pagka-proud sa naging tagumpay ni Matteo sa buhay at sa pag-ibig
- Agad din namang nag-reply si Matteo at sinabing proud din siya para sa aktres at umaasang magkikita sila muli
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling binalikan ng aktor at host na si Matteo Guidicelli ang kanyang mga ganap sa buhay noong taong 2016 bilang pakikibahagi sa isang sikat na social media trend. Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Matteo ng mga larawan na nagpapakita ng kanyang mga naging proyekto at mga hilig noon tulad ng motorcycling.

Source: Instagram
"2016: From the shows, the music, the rides, the family, and the love. That chapter was cool. That chapter mattered," ang naging caption ni Matteo sa kanyang nostalgic post.
Kasama sa mga larawang ibinahagi niya ay ang behind-the-scenes mula sa seryeng Dolce Amore at ang masayang moment kasama ang kanyang partner na si Sarah Geronimo habang sila ay nasa dagat.
Hindi naman nakalagpas sa paningin ng dati niyang katrabaho na si Andi Eigenmann ang nasabing post.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa comment section, nag-iwan si Andi ng isang nakaka-touch na mensahe para sa aktor. "My 2016 'showbiz' friend, so proud watching you from the sidelines, become so successful in life and love!" pahayag ni Andi.
Agad naman itong sinagot ni Matteo na puno rin ng suporta para sa aktres.
"@andieigengirl happy and proud for you also my 'showbiz' friend. See you soon," naging tugon ni Matteo.
Ang palitang ito ng mensahe ay nagpakita na kahit matagal na silang hindi nagkakasama sa isang proyekto at pareho nang may kani-kanilang buhay sa labas ng showbiz, nananatili pa rin ang respeto at pagkakaibigan ng dalawa.
Swipe left para makita pa ang iba:

Source: Instagram
Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.

Read also
Vice Ganda, napahirit sa diretsong sagot ni Anne Curtis sa basher: "Ay may umorder ng pika"
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay masayang ipinagdiwang ni Andi Eigenmann ang ika-limang kaarawan ng kanyang anak na si Koa sa Siargao. Pinili ni Andi na unahin ang pag-aasikaso sa "homemade birthday" ng anak bago mag-post sa social media. Nag-request si Koa na mag-dress up bilang si Hiccup mula sa movie na "How To Train Your Dragon."
Samantalang ay inilarawan ni Andi Eigenmann ang taong 2016 bilang "golden" dahil sa dami ng kanyang naging tagumpay. Sa kabila ng ningning ng kanyang career, inamin ng aktres na palihim siyang nakipaglaban para sa kanyang mental health. Ang mga simpleng adventure kasama ang anak na si Ellie ang nakatulong sa kanya na mahanap ang buhay na hinahanap niya. Binigyang-diin niya na ang pag-alis sa spotlight ay naging daan para sa kanyang "peace."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
