Vice Ganda, tinawag na "binata" si Ryan Bang; hiwalayang Ryan at Paola Huyong, mas umingay
- Viral ang mga sinabi ni Vice Ganda sa It’s Showtime na muling nagpa-init sa estado ng relasyon ni Ryan Bang
- Nangyari ang eksena sa segment na 'Laro Laro Pick' kasama sina Jhong Hilario, Vice, at Vhong Navarro
- Isang contestant mula Antipolo ang nagbanggit ng mga obserbasyon niya tungkol kay Ryan dahil madalas niya itong makita sa kanyang trabaho
- Sa kalagitnaan ng usapan, sinabi ni Vice na "binata naman 'yung anak ko, anu naman ang masama"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Sa episode ng It’s Showtime noong Enero 22, muling napag-usapan ang posibilidad na single na si Ryan Bang. Lumabas ang usapin ilang buwan matapos kumalat ang tsismis tungkol sa umano’y hiwalayan nila ng fiancée niyang si Paola Huyong.
Naganap ito sa segment na 'Laro Laro Pick' habang iniinterbyu nina Jhong Hilario, Vice Ganda, at Vhong Navarro ang mga contestant. Isa sa kanila ay mula Antipolo at nagbahagi na isa siyang caddie sa isang golf club kung saan madalas maglaro si Ryan.

Read also
Vice Ganda, napahirit sa diretsong sagot ni Anne Curtis sa basher: "Ay may umorder ng pika"
Dahil dito, agad tinawag ng mga host si Ryan para makilala ang contestant.
Biglang nag-iba ang tono ng usapan nang ilarawan ng babae si Ryan. Sinabi niyang galante umano si Ryan at mabait lalo na sa mga caddie. Dagdag pa niya, mahilig daw ito sa magagandang caddie.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Natawa sina Jhong at Vhong sa narinig, habang tila natigilan naman si Vice Ganda.
Agad namang nag-react si Ryan at tila nagulat sa sinabi tungkol sa kanya. Pumasok si Vice Ganda upang ipagtanggol si Ryan at sinabing "binata naman 'yung anak ko, anu naman ang masama," bagay na mas lalong nakakuha ng pansin ng mga manonood dahil sa mga kumakalat na isyu tungkol sa relasyon nito.
Sumang-ayon si Vhong sa pahayag ni Vice, na lalo pang nagdiin na eligible umano si Ryan. Dahil dito, maraming netizen ang napa-isip kung may pinapatunayan ba ang mga biro at pahayag ng mga host.
Muling umikot online ang tanong kung kumpirmasyon na ba ito na hiwalay na sina Ryan Bang at Paola Huyong.
Panuorin ang bidyong ito:
Si Ryan Bang ay isang South Korean na TV personality, komedyante, at host na sumikat sa Pilipinas. Una siyang nakilala ng publiko nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010, kung saan nagtapos siya bilang 1st Runner Up. Matapos ang kanyang pagsali sa palabas, naging regular siya sa noontime program ng ABS-CBN na It’s Showtime. Kalaunan, pinalawak niya ang kanyang karera sa pag-arte at gumanap sa mga pelikula tulad ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme at Beauty and the Bestie.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, napansin ng mga tagahanga ang kakaibang aktibidad sa Instagram account ng fiancée ni Ryan na si Paola Huyong. Ayon sa ulat, tinanggal niya ang lahat ng kanilang engagement photos, kaya nagdulot ito ng espekulasyon na may problema ang kanilang engagement. Nakita rin si Paola na walang suot na engagement ring sa isang video na kanyang ibinahagi, na lalo pang nagpasiklab sa mga tsismis ng hiwalayan. Inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang engagement noong Hunyo 2024, ngunit wala pa silang inilalabas na pahayag tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Ilang buwan bago nito, ipinagdiwang ni Ryan ang kanyang ika-34 na kaarawan noong Hunyo 16, 2025. Ibinahagi ng komedyante ang selebrasyon sa pamamagitan ng ilang simpleng salu-salo. Noong Hunyo 23, nag-post siya ng serye ng mga larawan at video sa Instagram na nagpapakita ng masasayang sandali mula sa kanyang kaarawan. Makikita sa mga post na kasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay, kabilang si Paola, na naroon din sa pagdiriwang. Sa kanyang caption, nagpasalamat si Ryan sa Panginoon para sa mga biyayang kanyang natanggap sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

