Andi Eigenmann, ipinagdiwang ang kaarawan ng anak na si Koa sa Siargao
- Masayang ipinagdiwang ni Andi Eigenmann ang ika-limang kaarawan ng kanyang anak na si Koa sa Siargao
- Pinili ni Andi na unahin ang pag-aasikaso sa "homemade birthday" ng anak bago mag-post sa social media
- Nag-request si Koa na mag-dress up bilang si Hiccup mula sa movie na "How To Train Your Dragon"
- Inilarawan ni Andi ang anak bilang isang batang may malambot na puso at puno ng kabutihan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng payapang buhay sa isla, isang espesyal na pagdiriwang ang ibinahagi ni Andi Eigenmann para sa kanyang anak na si Koa. Sa kanyang Instagram post, nagbigay si Andi ng isang "birthday recap" para sa ika-limang taon ni Koa na ginanap sa Villa Makana Siargao kasama ang kanilang mga pinsan at kaibigan.

Source: Instagram
"I’m now officially shameless about not posting a birthday greeting for my child first thing, just so the internet can see it first," pabirong pahayag ni Andi.
Aniya Andi, mas pinili raw niyang maging abala sa paggawa ng isang homemade celebration para sa anak.
Sa mga larawan, makikitang nag-request si Koa na maging si "Hiccup," ang kanyang paboritong karakter mula sa How To Train Your Dragon. Hindi rin nawala ang mga paboritong treats ni Koa at ang isang DIY na "Toothless Cake."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagbahagi rin si Andi ng ilang baby photos ni Koa bilang bahagi ng kanyang pagbabalik-tanaw.
"Gentle, just like Hiccup, in a world that rushes boys to be tough," ang naging paglalarawan ni Andi sa anak. Ayon sa kanya, ang pagiging malambot ang puso ni Koa ang nagsisilbing lakas nito.
Pinasalamatan din ni Andi si Koa sa pagpapakita na ang isang bata ay pwedeng maging "brave and kind, strong and sensitive" sa parehong pagkakataon.
"I see the beautiful kind boy you are becoming and that makes me so happy," pagtatapos ng aktres sa kanyang madamdaming mensahe.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:
Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inilarawan ni Andi Eigenmann ang taong 2016 bilang "golden" dahil sa dami ng kanyang naging tagumpay. Sa kabila ng ningning ng kanyang career, inamin ng aktres na palihim siyang nakipaglaban para sa kanyang mental health. Ang mga simpleng adventure kasama ang anak na si Ellie ang nakatulong sa kanya na mahanap ang buhay na hinahanap niya. Binigyang-diin niya na ang pag-alis sa spotlight ay naging daan para sa kanyang "peace."
Samantalang nitong taon naman ay naging matagumpay ang unang prank ni Andi Eigenmann sa kanyang partner na si Philmar Alipayo. Kunwaring niregaluhan ni Stevie Eigenmann si Andi ng isang mamahaling dekorasyon na bato na kinaaliwan ng marami. Nakakatawa ang naging reaksyon ni Philmar nang malamang nagkakahalaga umano ang bato ng 17,000 pesos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

