Angelica Panganiban, may sweet na pagbati sa kaarawan ng 'amigah' na si Glaiza de Castro

Angelica Panganiban, may sweet na pagbati sa kaarawan ng 'amigah' na si Glaiza de Castro

  • Nagbahagi si Angelica Panganiban ng isang taos-pusong mensahe para sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan na si Glaiza de Castro
  • Inamin ni Angelica na sa dami ng kanilang mga naging roles sa industriya, ang pagiging matalik na kaibigan ni Glaiza ang kanyang pinakapaborito
  • Nag-react si Glaiza sa post at sinabing naging "rollercoaster ng emosyon" ang kanyang naramdaman habang tinitignan niya ang mga pictures
  • Tampok sa post ang mga throwback photos ng kanilang samahan, kabilang ang mga bonding moments nila kasama ang kani-kanilang pamilya

Sa kabila ng ingay sa mundo ng showbiz, nananatiling matatag ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro. Sa pinakabagong Instagram post ni Angelica, nagbigay siya ng isang espesyal na pagpupugay para sa kaarawan ng kanyang itinuturing na 'amigah.'

Angelica Panganiban, may sweet na pagbati sa kaarawan ng 'amigah' na si Glaiza de Castro
Angelica Panganiban, may sweet na pagbati sa kaarawan ng 'amigah' na si Glaiza de Castro (@iamangelicap)
Source: Instagram
"Sa kinalakihan nating industriya, napakadami nating ginagampanang role sa buhay," simula ni Angelica sa kanyang caption. "Pero ang pinakapaborito kong role mo ay ang maging matalik kang kaibigan. Mahusay ka dun," dagdag pa niya na sinamahan ng pagbati ng "maligayang hipbamp sa bertdey mo amigah, mahal kita."

Read also

Mariel Padilla, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga

Hindi naman nakalagpas ang madamdaming post na ito kay Glaiza de Castro, na agad na nag-iwan ng komento sa nasabing post.

"Yung rollercoaster ng emosyon ko sa pag-swipe, salamat amigah! Mahal na mahal kitaaaaaa," naging tugon ni Glaiza sa kanyang kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ni Angelica ang serye ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang mahabang pinagsamahan.

Kasama rito ang mga litrato nila habang nasa bakasyon sa dagat, mga simpleng moment habang kumakain ng ice cream kasama ang anak ni Angelica na si Bean, at ang kanilang masayang tawanan sa isang concert.

Ang palitan ng mensahe ng dalawa ay muling nagpatunay sa lalim ng kanilang ugnayan na nagsimula pa noong mga kabataan nila.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Angelica Panganiban, may sweet na pagbati sa kaarawan ng 'amigah' na si Glaiza de Castro
Screenshot mula sa Instagram ni @iamangelicap
Source: Instagram

Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.

Read also

Alex Gonzaga, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nagbahagi si Angelica Panganiban ng isang nakakaaliw na Instagram story tungkol sa kanyang pagiging "bida-bida" sa bahay. Pabiro ring sinabi ng aktres na mabilis sumunod sa kanya ang anak na si Amila Sabine. Bukod pa rito ay ipinasilip ni Angelica ang kanyang kusina habang siya ay naglilinis at nag-aayos.

Samantalang noong taon din na iyon ay nag-guest kamakailan si Angelica Panganiban sa 'Fast Talk with Boy Abunda.' Dito ay inilarawan ni Angelica si Gregg bilang "ma-serbisyo" at handyman sa bahay. Ibinahagi niya na best friend niya si Gregg dahil napag-uusapan nila ang lahat. Nakakatawang ikinuwento rin ni Angelica ang kanilang unang meet-up noon at kung ano ang napansin niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco