Mariel Padilla, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga
- Nag-post si Mariel Padilla sa Instagram upang batiin ang kanyang matalik na kaibigan na si Toni Gonzaga sa kaarawan nito
- Binigyang-pugay ni Mariel ang kanilang mahigit 20 taon na pagkakaibigan sa loob at labas ng industriya
- Nag-reply si Toni sa post at nagpahayag ng kanyang pasasalamat at pagmamahal para kay Mariel
- Ibinahagi rin ni Mariel ang serye ng mga throwback photos na nagpapakita ng kanilang bonding sa loob ng maraming taon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa mundo ng showbiz kung saan mabilis magbago ang lahat, nananatiling matatag ang pagkakaibigan nina Mariel Padilla at Toni Gonzaga. Sa pinakabagong Instagram post ni Mariel, nagpaabot siya ng isang taos-pusong pagbati para sa kaarawan ng kanyang kaibigan na si Toni.

Source: Instagram
"More than 20 years of friendship and so many seasons of life later, and here we are," panimula ni Mariel sa kanyang caption.
Ayon sa host, marami na silang naging papel sa buhay at marami na ring nagbago, ngunit ang kanilang pagkakaibigan ay hindi kailanman natinag.
"That’s something I’m truly grateful for," dagdag pa niya sa kanyang viral online post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi naman nagpaawat si Toni at agad na nag-comment sa post ni Mariel upang magpasalamat.
"Thank you Ma... Ang daming seasons ng friendship natin. Im so grateful for you... Thank you....," ang naging tugon ng kilalang aktres at TV host. Maging ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga ay nag-iwan din ng mga "heart eyes" emojis bilang suporta sa dalawa.
Kasabay ng kanyang pagbati, nagbahagi rin si Mariel ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang journey bilang magkaibigan—mula sa panahong pareho silang buntis hanggang sa kanilang mga simpleng bonding moments sa backstage.
Pabirong hirit pa ni Mariel, nahirapan siyang pumili ng cover photo dahil marami sa kanyang mga lumang litrato ay malabo o "blurred."
"Wishing you a birthday filled with love, laughter, and all the good things you deserve," pagtatapos ni Mariel sa kanyang post.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Source: Instagram
Si Mariel Padilla ay isang kilalang TV host sa Pilipinas. Nakilala siya bilang isa sa mga host ng noontime show na Wowowee at kalaunan ay naging bahagi rin ng It's Showtime. Maliban dito, naging visible siya sa iba't ibang programa ng ABS-CBN at TV5. Kilala siya sa kanyang husay sa pakikipag-ugnayan sa mga manonood at pagiging natural sa harap ng kamera. Sa personal na buhay, si Mariel ay ikinasal kay Robin Padilla noong 2010. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na babae. Kilala rin siya sa pagiging hands-on na ina at madalas niyang ibinabahagi sa social media ang kanyang motherhood journey. Bukod sa showbiz, naging abala rin siya sa ilang business ventures at online content creation, na lalo pang nagpalapit sa kanya sa mga fans.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nag-react si Mariel Padilla sa pahayag ng DTI na posibleng makapaghanda ng Noche Buena sa halagang ₱500 lamang. Ibinahagi ni Mariel na "na-trigger" siya sa naging pahayag na ito ng DTI. Sinubukan pa niya mismo pagkasyahin ang P500 matapos siyang ma-challenge. Gayunpaman, iginiit niya na naniniwala siyang "the Filipinos deserve more" kaysa sa P500 na budget.
Samantalang noong taon din na iyon ay dinepensahan ni Mariel Padilla ang kanyang asawa na si Robin Padilla. Sa Facebook, nag-post si Mariel ng statement ukol sa pang-aakusa sa senador. Aniya ng celebrity figure, unfair daw na i-claim na dinisrespect ni Sen. Robin ang watawat ng Pilipinas. Bukod pa rito ay nag-post din si Mariel ng malinaw na kuha ng viral na photo upang i-debunk ang pang-aakusa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

