Alex Gonzaga, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga

Alex Gonzaga, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga

  • Nag-post si Alex Gonzaga sa Instagram para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga
  • Pinasalamatan ni Alex si Toni dahil sa patuloy na pagtrato sa kanya bilang "OG little girl"
  • Ibinahagi rin niya ang isang video kung saan magkasama silang kumakanta ng "For Good"
  • Sa nasabing video, may kalakip din na mensahe si Alex tungkol sa mga nakakatandang kapatid

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa kabila ng kanilang madalas na asaran sa social media, ipinakita ni Alex Gonzaga ang kanyang malambot na panig para sa kaarawan ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Alex Gonzaga, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga
Alex Gonzaga, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa isang panibagong Instagram update, nagbahagi ang kilalang actress-vlogger ng isang mensahe na puno ng pasasalamat at pagmamahal para sa hindi nagbabagong suporta at pagkalinga ng kanyang nakatatandang kapatid.

"Happy birthday, ate! Thank you for still seeing me as your OG little girl who needs your love and protection. Love you sisteh," ang naging madamdaming caption ni Alex.

Read also

Ina ni Candy Pangilinan, makakauwi na matapos ang 9 na araw nito sa ospital

Kalakip nito ang isang video clip kung saan nag-duet ang dalawa sa harap ng maraming tao, suot ang kanilang simple ngunit eleganteng outfits.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa video, maririnig ang magkapatid na bumibirit ng kantang 'For Good,' habang may nakasulat na paalala sa screen: "Reminder that your older sister is the only person in this world who'd want you to be better than her."

Sapul talaga sa nasabing video na ipinost ni Alex ang closeness nila ng kanyang Ate Toni, na nagpapakita ng kanilang napakalapit na ugnayan bilang magkapatid.

Maraming netizens ang na-touch sa nasabing post at napa-comment ng pagbati rin kay Toni sa espesyal na araw nito ngayong taon.

Aniya ng maraming netizens sa social media, isa raw ang post na ito na bilang patunay na kahit gaano pa sila magkulitan, ang pagmamahalan ng Gonzaga sisters ay nananatiling matatag at totoo.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Read also

Mariel Padilla, may nakaka-touch na mensahe para sa kaarawan ni Alex Gonzaga

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Alex Gonzaga ng isang emosyonal na post sa Instagram habang naghahanda para sa huling araw ng 2025. Ipinagmalaki ng aktres na sa kanilang bagong bahay sila magdiriwang ng New Year kasama ang asawang si Mikee Morada. Inamin ni Alex na bagama't nagsimula ang taon sa isang "loss," nakita niya kung paano sinagot ang kanyang mga dasal sa tamang panahon. Pinasalamatan niya ang Panginoon at nangakong patuloy na mananalig sa Kanyang mga pangako.

Samantalang noong 2025 ay sinubukan naman nina Alex at Toni Gonzaga ang "Randomly Hugging Your brother-in-law Challenge" sa kanilang mga asawa. Umani na nga ito ng mahigit 2.2 million views sa Instagram ang nakakatawang reaksyon nina Mikee Morada at Paul Soriano. Halatang nagulat ang dalawang asawa nang bigla silang yakapin ng kani-kanilang hipag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco