Jennica Garcia, naging emosyonal sa pag-alala sa kanyang journey bilang ina

Jennica Garcia, naging emosyonal sa pag-alala sa kanyang journey bilang ina

  • Ibinahagi ni Jennica Garcia ang mga larawan niya noong 2016 kung saan sinimulan niyang yakapin ang "quiet joys" ng pagiging isang ina
  • Noong taon na iyon, natutunan niya ang iba't ibang aspeto ng pag-aalaga ng bata
  • Nadiskubre rin ni Jennica ang sining o art bilang paraan ng pagpapahinga at paglalabas ng kanyang emosyon
  • Ayon sa aktres, ang buhay na tinatamasa niya ngayon kasama ang kanyang mga anak ay ang buhay na pinapangarap lang niya noon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa gitna ng isang bagong social media trend, hindi nagpaawat ang aktres na si Jennica Garcia sa pagbabahagi ng kanyang naging karanasan sampung taon na ang nakararaan.

Jennica Garcia, naging emosyonal sa pag-alala sa kanyang journey bilang ina
Jennica Garcia, naging emosyonal sa pag-alala sa kanyang journey bilang ina (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, binalikan ni Jennica ang taong 2016, ang panahon kung kailan nagsisimula pa lamang siyang hubugin bilang isang mapagmahal na ina sa kanyang panganay na si Mori.

"This was the year I began embracing the quiet joys of babywearing, cloth diapering, breastfeeding, baby-led weaning, and elimination communication," kwento ni Jennica.

Read also

Andi Eigenmann, nagbalik-tanaw sa naging buhay niya bago lisanin ang showbiz

Sa mga larawang kanyang ipinost, makikita ang aktres habang karga ang natutulog na si Mori gamit ang isang baby wrap habang nagbabasa ng libro, at ang kanilang madamdaming litrato habang magkayakap sila noong baby pa si Mori.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa pag-aalaga ng bata, naging aktibo rin si Jennica sa pagpapahusay ng kanyang mga "home skills".

Um-attend siya ng mga workshops para matutong magluto at mag-bake ng masusustansyang pagkain para sa kanyang pamilya. Dito rin niya nadiskubre ang pagpipinta bilang isang paraan ng relaxation.

"This was also the year I discovered art as a means of release and relaxation," aniya.

Para kay Jennica, ang lahat ng ito ay tila isang panaginip lamang noon na ngayo'y naging buhay na niya talaga.

"Pangarap ko lang ito noon," saad ng aktres. Nagpasalamat siya sa trend na ito dahil napaalalahanan siya na "I am already living the life I once believed was only meant to be dreamed of."

Sa huli, nagpahayag siya ng wagas na pagmamahal para sa kanyang mga anak na sina Mori at Alessi, at nagpasalamat sa Ama para sa biyayang kanyang tinatamasa.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Read also

Alexa Ilacad, naging emosyonal sa pagtupad ng kanyang "wishes" sa YFSF

Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay labis na naantig si Jennica Garcia matapos niyang makita ang pitong paid subscribers na nag-renew sa kanyang Twitch channel. Ipinagtapat niya na nanatili ang mga ito sa loob ng halos pitong buwan na wala siyang stream, at sinabing hindi niya deserve ang suportang iyon. Tinawag niya ang kanyang mga subscriber na "Regalo kayo ng Panginoon."

Read also

Panibagong post ni Ruffa Gutierrez, viral: "Husband pending"

Samantalang noong taon din na iyon ay isang simpleng Instagram story ang nagpaantig kay Jennica Garcia. Ni-repost niya kasi ang story ni Melai Cantiveros kung saan tinag siya ng huli. Tungkol ito sa pananampalataya, bagay na tila nagpa-emosyonal sa kilalang celebritye momshie. Dahil sa post na ito, inihayag ni Jennica ang labis niyang pag-admire kay Melai.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco