Ruffa Gutierrez, nagpasalamat sa tagumpay ng operasyon ng amang si Eddie Gutierrez

Ruffa Gutierrez, nagpasalamat sa tagumpay ng operasyon ng amang si Eddie Gutierrez

  • Matagumpay na sumailalim sa operasyon ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez para sa kanyang kondisyon
  • Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na nagpapagaling na ang kanyang ama sa isang hotel sa Singapore pagkatapos ng procedure
  • Nagpasalamat ang Pamilya Gutierrez sa medical team, lalo na sa mga Pilipinong nars at healthcare professionals na nag-alaga kay Eddie
  • Inamin ni Eddie na ramdam na niya ang paggaling at nagpasalamat din siya sa suporta ng mga kapwa Pilipino

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang malaking pasasalamat ang ipinaabot ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang buong pamilya matapos ang matagumpay na operasyon ng kanyang amang si Eddie Gutierrez sa Singapore.

Ruffa Gutierrez, nagpasalamat sa tagumpay ng operasyon ng amang si Eddie Gutierrez
Ruffa Gutierrez, nagpasalamat sa tagumpay ng operasyon ng amang si Eddie Gutierrez (@iloveruffag)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ruffa na maayos na ang kalagayan ng beteranong aktor matapos harapin ang kanyang prostate condition.

"Thank you so much to everyone who prayed for our dad," ang bungad na mensahe ni Ruffa. Ayon sa aktres, sumailalim si Eddie sa isang procedure kasama ang urologist na si Dr. Sam Peh Oon Hui. "He is now recovering at our hotel here in Singapore," dagdag pa niya.

Read also

Claudine Barretto, may madamdaming pagbati sa ika-90 na kaarawan ni Mommy Inday

Sa isang video update, makikitang masigla na si Eddie habang katabi ang kilalang aktres.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Napakasaya dito... nafi-feel ko na gumagaling na ako," masayang pahayag ni Eddie. Pinuri rin ni Ruffa ang mga kababayan nating nagtatrabaho doon. "We are deeply grateful to Dad’s medical team, most especially the compassionate Filipino nurses and healthcare professionals who took such wonderful care of him," aniya.

Binigyang-diin ni Ruffa na ang pagmamahal at suporta ng online community ay malaking tulong sa kanilang pamilya sa gitna ng pagsubok na ito.

"Life is full of ups and downs, but we always get back up... because this too shall pass," pagtatapos ng aktres.

Maraming fans at kaibigan sa industriya ang nagpadala ng mga heart emojis at panalangin para sa tuluy-tuloy na paglakas ni Eddie Gutierrez.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas World at nagwaging Second Runner-Up sa Miss World na ginanap sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, mayroon siyang dalawang anak na babae — sina Lorin at Venice — kasama ang dati niyang asawang si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, ipinagpatuloy din niya ang kanyang pag-aaral sa Philippine Women’s University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022, at nagsilbi itong inspirasyon sa maraming kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

Read also

Panibagong post ni Ruffa Gutierrez, viral: "Husband pending"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang masayang video sa Instagram habang nagli-lipsync sa kantang 'Where is My Husband!' Sa kanyang caption, pabirong sinabi ng aktres na ang kanyang status ngayon ay "living my best life." Ipinasilip din ni Ruffa ang kanyang bagong "fresh cut" at hair color matapos bumisita sa isang salon. Maraming netizens at malalapit na kaibigan, gaya ni Marjorie Barretto, ang nag-like sa post.

Samantalang noong 2025 ay humiling ng panalangin si Ruffa Gutierrez para sa kanyang ama, si Eddie Gutierrez. Sumailalim kasi si Eddie sa kanyang unang spinal procedure sa Singapore. Nag-post ang aktres ng mga larawan nila kasama ang kanilang ama sa ospital. Dahil dito ay labis namang nagpasalamat ang Pamilya Gutierrez sa lahat ng nagpapakita ng suporta at nagdarasal para sa kanilang tatay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco