Alexa Ilacad, naging emosyonal sa pagtupad ng kanyang "wishes" sa YFSF

Alexa Ilacad, naging emosyonal sa pagtupad ng kanyang "wishes" sa YFSF

  • Ibinahagi ni Alexa Ilacad na tila kaarawan niya dahil natupad ang kanyang dalawang mahalagang hiling
  • Labis ang katuwaan ng aktres dahil sa kanyang iniidolong si Yeng Constantino
  • Nagpasalamat din siya dahil nakasama niya sa entablado ang "chinito" ng kanyang buhay na si Enchong Dee
  • Inilarawan ni Alexa ang karanasan bilang isang "priceless moment" at nagpasalamat sa suporta at pagmamahal na kanyang natanggap

Para sa aktres na si Alexa Ilacad, hindi pa man natatapos ang unang buwan ng 2026 ay parang kaarawan na niya dahil sa sunod-sunod na magagandang balita.

Alexa Ilacad, naging emosyonal sa pagtupad ng kanyang "wishes" sa YFSF
Alexa Ilacad, naging emosyonal sa pagtupad ng kanyang "wishes" sa YFSF (@alexailacad)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Alexa ang kanyang labis na pasasalamat matapos matupad ang dalawa sa kanyang mga pangarap sa programang Your Face Sounds Familiar.

"Pakiramdam ko birthday ko kasi natupad ang dalawang wish ko..." ang naging masayang bungad ni Alexa.

Una sa kanyang listahan ang tagumpay ng kanyang idol at mentor na si Yeng Constantino.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang maging Icon ang idol at mentor kong si ate @yeng," ani Alexa, habang suot ang kanyang outfit bilang paggaya sa Pop-Rock Royalty.

Read also

Panibagong post ni Ruffa Gutierrez, viral: "Husband pending"

Hindi rin maitago ng aktres ang kilig dahil sa kanyang pangalawang wish na may kinalaman kay Enchong Dee.

"Ang makasama on stage ang chinito ng buhay ko, @mr_enchongdee," aniya.

Ayon kay Alexa, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang kanyang ngiti dahil sa priceless moment na ito.

"Hindi talaga mawala ang ngiti ko hanggang ngayon. Ramdam na ramdam ko yung support at love niyo para sa akin and I couldn’t be more grateful," dagdag pa niya.

Sa huli, pinasalamatan ni Alexa sina Yeng at Enchong dahil sa pagbuo ng kanyang January.

"THANK YOU, @yeng & @mr_enchongdee! Binuo niyo na agad ang January ko. This is such a priceless moment," pagtatapos ng aktres.

Maraming fans ang natuwa sa tagumpay ni Alexa, kabilang na ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa industriya.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Alexa Ilacad ay isang Filipina celebrity na kilala bilang aktres, singer, host, at vlogger. Sinimulan niya ang kanyang showbiz career bilang child performer sa Goin' Bulilit. Kalaunay ay lumipat siya sa teen at adult roles at lumabas sa mga matagumpay na serye ng ABS-CBN tulad ng Luv U, Bagito, The Good Son, at ang kilalang The Killer Bride, kung saan ginampanan niya si Luna Dela Cuesta. Bukod sa pag-arte, isa ring established singer at content creator si Alexa. Sa kabila ng kanyang kasikatan, naging bukas si Alexa tungkol sa kanyang mental health struggles, kabilang ang body dysmorphia at depression. Sa ngayon, patuloy siyang nagsasalita tungkol sa self-acceptance at self-love, at nagbibigay-inspirasyon sa maraming fans.

Read also

Lian Paz, naging emosyonal sa pagbati niya sa ika-10 na kaarawan ng anak na si Niña

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpahayag ng pagkalito si Alexa Ilacad matapos makita ang kanyang larawan na ginamit sa isang post ng netizen. Ang caption ng post ay tungkol sa hindi pagtanggap ng disrespect at family boundaries. Dahil dito ay napatanong na laman si Alexa kung ano raw ang "konek" ng kanyang litrato. Inulan naman ng funny comments at reactions ang naturang posts na ito ni Alexa online.

Samantalang noong 2025 ay hindi naitago ni Alexa Ilacad ang kanyang excitement at kilig matapos dumalo sa GMA Gala. Sa Instagram, nagbahagi si Alexa ng mga larawan mula sa event na ginanap sa Pasay. Gayunpaman, ang talagang nagpasaya sa marami ay ang tinawag ni Alexa na “highlight of my night.” Ang tinutukoy niyang highlight ay ang encounter niya sa Primetime Queen ng Kapuso network, si Marian Rivera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco