Katrina Halili, naaliw sa mensahe ni Katie sa kanila ni Kris Lawrence: "Sige anak"
- Naaliw ang aktres na si Katrina Halili sa naging mensahe at payo ng kanyang anak na si Katie para sa kanila ng papa nito
- Ayon kay Katrina, sinabihan siya ni Katie na magbenta siya ng produkto na nakapangalan mismo sa kanya
- Pinayuhan din ng bata ang kanyang papa na magbenta ng para magkaroon daw sila ng "maraming pera"
- Sa post, ibinahagi ni Katrina ang mga larawan ng kanilang bonding kasama si Kris
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Tila may potensyal pa nga maging isang 'young entrepreneur' ang anak ng aktres na si Katrina Halili na si Katie. Sa isang nakakaaliw na Instagram post, ibinahagi ni Katrina ang naging usapan nila ng kanyang anak na tila seryoso sa pag-iisip ng paraan para kumita ang kanilang pamilya.

Source: Instagram
"Nagbigay ng message si Katie sa amin ng papa niya," kwento ni Katrina sa kanyang caption na may kasamang laughing emoji. Ayon sa aktres, diretsahan siyang sinabihan ng anak na, "Magbenta raw kami ng Katie's Balm."
Hindi rin nakaligtas ang papa nito na si Kris Lawrence sa business advice ng kanyang anak na si Katie.
"Message niya sa papa niya, magbenta raw siya ng balm para maraming pera raw," dagdag pa ni Katrina.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinakyan naman ni Katrina ang katuwaan at birong sinagot ang anak na mag-door to door na raw sila.
"Sige anak mag door to door na tayo," hirit ng aktres sa viral niyang Instagram post.
Kasama sa post na ito ang mga larawan kung saan makikitang masaya silang magkakasama sa isang restaurant. Makikita sa isang litrato si Katie na nakaakbay sa kanyang papa, habang nakangiti naman si Katrina sa tabi nila.
Nagpasalamat din ang aktres kay Kris para sa tulong nito. Ang post na ito ay muling nagpakita ng malapit na samahan ni Katrina at ng kanyang anak, na kamakailan lang ay matagumpay na natapos ang stem cell therapy. Tunay na isang "joy" si Katie sa buhay ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang pagiging bibo.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Read also
Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño
Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong August 2025 ay naging usap-usapan online si Katrina Halili matapos niyang ibahagi ang kanyang saloobin. Kamakailan ay nagsulat si Katrina ng mahabang mensahe tungkol kay Katie sa Facebook. Dito ay nakiusap si Katrina sa publiko tungkol sa pangungunsinti umano sa kanyang anak. Aniya Katrina, ito na raw ang "last chance" na ibinibigay niya sa publiko patungkol kay Katie.
Samantalang noong July 2025 ay nag-open up kamakailan lang si Katrina Halili tungkol sa vlog ni Ivana Alawi. Nito lamang ay nag-post kasi si Katrina ng isang Q&A vlog sa kanyang channel. Dito ay natanong ang aktres tungkol sa kanyang anak na si Katie Lawrence. Dahil dito ay ibinahagi ni Katrina kung paano niya hinanda si Katie bago ang vlog nila ni Ivana.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

