Judy Ann Santos, ipinagdiwang ang 10th birthday ng bunsong anak niya na si Luna

Judy Ann Santos, ipinagdiwang ang 10th birthday ng bunsong anak niya na si Luna

  • Ipinagdiwang nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang ika-10 na kaarawan ng kanilang bunsong anak
  • Sa kanyang Instagram post, naging emosyonal si Juday sa mabilis na paglaki ng kanyang "Luna bunny"
  • Inilarawan ng aktres si Luna bilang isang bata na mapagmahal, disiplinado, mabait, at caring.
  • Nagbahagi rin si Juday ng mga larawan mula sa kanilang masayang travel adventures

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Opisyal nang lumabas sa "single digits" ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna. Sa isang madamdaming Instagram post, binati ni Juday ang kanyang anak na ngayong January 2026 ay nagdiriwang na ng kanyang ika-sampung kaarawan.

Judy Ann Santos, ipinagdiwang ang 10th birthday ng bunsong anak niya na si Luna
Judy Ann Santos, ipinagdiwang ang 10th birthday ng bunsong anak niya na si Luna (@officialjuday)
Source: Instagram
"Peace out single digit! Waaahhh! I kennat!!" ang naging makulit at emosyonal na reaksyon ni Juday habang tinitingnan ang paglaki ng kanyang "sweet sweet bunso."

Ayon sa aktres, ang mapanood si Luna na lumaking isang "fine, loving, disciplined, kind, witty, and caring human being" ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kanila ni Ryan.

Read also

Ice Seguerra, nagbahagi ng emosyonal na mensahe para sa ika-13 "meetsary" nila ni Liza Diño

Sa mga larawang ibinahagi ni Juday, makikita si Luna na masayang kumakagat sa kanyang rainbow-themed cake na may topper na "OUT SINGLE DIGITS, I'M 10."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakita rin ng aktres ang mga sandaling kasama ni Luna ang kanyang mga kapatid na sina Yohan at Lucho habang nagbabakasyon sa Japan. Mayroon ding kuha kung saan makikitang nakaupo si Luna sa kama na puno ng mga regalo at may "Happy Birthday" banner sa likod.

"We love you to the moon, around and around and back. Happy birthday, my baby love... mama’s kili kili will always look forward to bedtimes with you," pagtatapos ni Juday sa kanyang post na puno ng pagmamahal.

Ang post na ito ay umani na ng mahigit 21,000 likes mula sa mga netizens na nakasaksi sa masayang buhay ng pamilya Agoncillo.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Judy Ann Santos ay isang Filipina aktres. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga TV drama tulad ng Mara Clara at Ula, Ang Batang Gubat, at mula noon ay naging isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa showbiz. Ang mga versatile roles niya ay nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kanyang personal na buhay ay kasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo, isang Filipino actor-host. Sila ay may 3 anak na sina Johanna Louise, Juan Luis, at Juana Luisa. Bukod sa kanyang acting career, kilala rin si Judy Ann sa kanyang galing sa pagluluto.

Read also

Dianne Medina, nagbahagi ng emosyonal na pagbati para sa kanyang mga yumaong magulang

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inamin ni Judy Ann Santos na naging punong-puno ng sorpresa ang taong 2025 para sa kanya. Nakatanggap ang aktres ng iba't ibang parangal, kabilang ang mga awards niya mula sa FAMAS at FDCP. Ipinagmalaki rin niya sa post ang mga bagong brands na nagtiwala at tila kumuha sa kanya. Dahil dito ay talagang winelcome ni Judy Ann ang 2026 nang may higit na pasasalamat.

Samantalang ay noong November 2025 ay binati ni Judy Ann Santos si Angelica Panganiban sa kaarawan nito, at tinawag siyang "pinakamakulit at pinakamamahal kong baby sis." Ipinahayag ni Judy Ann ang kanyang matinding pagka-miss kay Angelica, gamit ang kanyang viral na post sa social media. Ang Queen of Soap Opera ay nagbigay-diin sa kanilang matibay na sibling-like bond.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco