Andi Eigenmann, naging matagumpay ang 'Anthropologie prank' kay Philmar Alipayo

Andi Eigenmann, naging matagumpay ang 'Anthropologie prank' kay Philmar Alipayo

  • Naging matagumpay ang unang prank ni Andi Eigenmann sa kanyang partner na si Philmar Alipayo
  • Kunwaring niregaluhan ni Stevie Eigenmann si Andi ng isang mamahaling dekorasyon na bato
  • Nakakatawa ang naging reaksyon ni Philmar nang malamang nagkakahalaga umano ang bato ng 17,000 pesos
  • Nakisawsaw rin sa katuwaan ang anak ni Andi na si Ellie para maging mas kapani-paniwala ang prank

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi lang puro seryosong repleksyon ang sinalubong ni Andi Eigenmann ngayong New Year dahil isang nakakatawang 'Anthropologie prank' ang kanyang inihanda para sa kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Andi Eigenmann, naging matagumpay ang 'Anthropologie prank' kay Philmar Alipayo
Andi Eigenmann, naging matagumpay ang 'Anthropologie prank' kay Philmar Alipayo (@andieigengirl)
Source: Instagram

Sa viral video, ipinakita ni Andi ang kanyang pagiging "prankster" na talaga namang kinaaliwan ng marami.

"My first ever prank on @chepoxz was a success!" masayang post ni Andi sa kanyang Instagram.

Sa video, makikita ang pamilya na nagdiriwang sa ilalim ng "Happy New Year" balloons nang iabot ni Stevie Eigenmann ang regalo niya umano kay Andi. Ang laman ng bag ay isang malaking bato na kunwari ay binili niya mula sa sikat na brand na "Anthropologie."

Read also

Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lalong naging kapana-panabik ang eksena nang sabihin ni Stevie, ang kapatid ni Andi, na nakuha nila ang bato sa halagang 17,000 pesos.

""That's just a rock," gulat na reaksyon ni Philmar habang sinusuri ang regalo. Sinubukan pa siyang kumbinsihin ni Ellie na isang "famous type of rock" ito, habang si Andi naman ay nagpanggap na naiiyak para hindi mahalata ang tawa.

Hindi mapigilan ni Philmar ang kanyang lito at napaisip ito kung bakit ganoon kamahal ang isang bato, hanggang sa huli ay inamin din nina Andi na isa lamang itong biro.

"I am so confused ate," sabi pa ni Philmar sa video na labis namang nagpatawa kay Ellie.

Ang nakakaaliw na sandaling ito ay umani ng maraming "likes" at tawa mula sa mga netizens na sumusubaybay sa masayang buhay ng pamilya Eigenmann-Alipayo sa Siargao.

Watch the video below:

Si Andi Eigenmann ay isang Pilipinang aktres, modelo, at social media personality. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagmula siya sa isang kilalang pamilya sa showbiz—ang kanyang ina ay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, at ang kanyang ama ay si Mark Gil, isang batikang aktor. Nakilala si Andi sa kanyang pagganap bilang bida sa ABS-CBN fantasy drama na Agua Bendita. Sa mga nagdaang taon, lumayo na siya sa mainstream showbiz upang yakapin ang mas payapang pamumuhay sa isla. Lumipat siya sa Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, at ang kanilang mga anak.

Read also

Priscilla Meirelles, handa na para sa bagong simula ngayong 2026: "Finally free"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot ni Andi Eigenmann ang gulat ng marami sa kakayahan ni Ellie Ejercito na mag-Bisaya. Ayon kay Andi, "way more fluent" pa sa kanya si Ellie dahil limang taong gulang pa lang ito nang lumipat sila sa isla. Ikinatuwa ng mga netizens ang napanood na video kung saan nakikipaglaro si Ellie kina Lilo at Koa Ejercito.

Samantalang ay natawa at naaliw si Andi Eigenmann nang makita si Philmar Alipayo sa screen. Na-feature kasi ang kanyang fiancé sa Netflix docuseries na '1 in 7641.' Sa Instagram, di napigilan ni Andi na biruin at tanungin si Philmar tungkol sa "makeup" nito. Gayunpaman, hindi nakalimutan ni Andi na i-share kung saan mapapanood ang show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: