Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino

Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino

  • Ibinahagi ni Claudine Barretto na na-dislocate ang tuhod ng kanyang anak na si Santino
  • Kasalukuyang nasa St. Luke's Medical Center sa Taguig ang aktres para asikasuhin ang anak
  • Nakiusap si Claudine sa kanyang mga followers na isama sa panalangin ang mabilis na paggaling ni Santino
  • Nagpaabot naman ng suporta ang kaibigang si Ara Mina at nangakong ipagdarasal ang kalagayan ng bata

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa gitna ng kanyang pagbabantay sa ospital, humingi ng suporta at panalangin ang aktres na si Claudine Barretto para sa kanyang anak na si Santino. Ayon sa kanyang post nitong Linggo, isang hindi inaasahang insidente ang nangyari sa bata na nagresulta sa pagkakadislocate ng tuhod nito.

Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino
Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino (@claubarretto)
Source: Instagram
"Santino dislocated his left knee. please pray for him," ang naging maikling pakiusap ni Claudine sa kanyang mga tagahanga. Makikita sa lokasyon ng kanyang post na sila ay tila kasalukuyang nasa St. Luke's Medical Center sa BGC, Taguig.

Dahil sa puyat at pag-aalala, nabanggit din ng aktres na tila kailangan niya ng sobrang lakas para malampasan ang gabing ito, bagay na naka-relate ang ibang mommies.

Read also

Hirit ni Vice Ganda sa aesthetic photos ni Nadine Lustre, viral online

"I Need 3 Espressos," biro niya sa caption, na nagpapakita ng kanyang pagod sa pag-aalaga sa anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang nag-comment ang kapwa aktres niya na si Ara Mina para magbigay ng lakas ng loob.

"Praying for Santino," ani Ara, na sinagot naman ni Claudine ng pasasalamat. Marami ring netizens ang nagpaabot ng kanilang "get well soon" messages para kay Santino, sa pag-asang mabilis itong makaka-recover mula sa kanyang tinamong injury.

Sa kasalukuyan, binura naman na ng kilalang aktres ang post na ito tungkol kay Santino sa opisyal niyang Instagram account.

Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino
Screenshot mula sa Instagram ni @claubarretto
Source: Instagram

Claudine Barretto, humihingi ng dasal para sa anak niyang si Santino
Screenshot mula sa Instagram ni @claubarretto
Source: Instagram

Si Claudine Barretto ay isang kilalang Filipina actress. Nagsimula ang career niya sa murang edad at kalaunan ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon sa Pilipinas, kung saan gumanap siya sa mga sikat na sitcom tulad ng Home Along Da Riles at Palibhasa Lalake. Nakilala siya nang husto bilang lead actress sa mga malalaking soap opera gaya ng Saan Ka Man Naroroon — kung saan gumanap siya bilang triplets — at Marina. Bukod sa pag-arte, pumasok din siya sa negosyo at nakibahagi sa mga gawaing pangkawanggawa. Sa kanyang personal na buhay, minsan siyang ikinasal kay Raymart Santiago ngunit nagkahiwalay din sila at na-annul ang kanilang kasal.

Read also

Judy Ann Santos, 'surprised' sa mga biyayang natanggap ngayong 2025: "Thank you"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Claudine Barretto ng isang video kung saan makikitang tila naka-confine sa ospital ang kanyang inang si Inday Barretto. Sa kanyang caption, inamin ng aktres ang kanyang nararamdamang hirap sa pagsabing "ang sakit sakit na." Ipinakita sa video ang mga bonding moments ni Claudine kasama ang kanyang ina at ang kapatid na si JJ Barretto sa ospital.

Samantalang ay nag-post si Claudine Barretto ng panayam ni Aga Muhlach mula sa Magandang Buhay. Inilarawan ni Aga ang kanyang dating leading leady bilang "the most misunderstood person." Dahil dito ay nagpasalamat si Claudine kay Aga at tinawag siyang "a true gentleman." Ibinahagi rin ni Claudine na minsan ay naging "her rock" niya ang veteran star, bagay na nagpaantig sa fans nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco