Judy Ann Santos, 'surprised' sa mga biyayang natanggap ngayong 2025: "Thank you"

Judy Ann Santos, 'surprised' sa mga biyayang natanggap ngayong 2025: "Thank you"

  • Inamin ni Judy Ann Santos na naging punong-puno ng sorpresa ang taong 2025 para sa kanya
  • Nakatanggap ang aktres ng iba't ibang parangal, kabilang ang mga awards niya mula sa FAMAS at FDCP
  • Ipinagmalaki rin niya sa post ang mga bagong brands na nagtiwala at tila kumuha sa kanya
  • Dahil dito ay talagang winelcome ni Judy Ann ang 2026 nang may higit na pasasalamat

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa kanyang pinakabagong Instagram post, hindi napigilan ni Judy Ann Santos na maging emosyonal habang nagbabalik-tanaw sa mga kaganapan ng nakalipas na taon. Ayon kay Juday, ang 2025 ay isang taon na talagang nagbigay sa kanya ng hindi inaasahang mga sorpresa sa bawat aspeto ng kanyang buhay.

Judy Ann Santos, 'surprised' sa mga biyayang natanggap ngayong 2025: "Thank you"
Judy Ann Santos, 'surprised' sa mga biyayang natanggap ngayong 2025: "Thank you" (@officialjuday)
Source: Instagram
"2025, iba ka! You surprised me in every shape and form," masayang panimula ng aktres sa post.

Binanggit niya ang mga "different recognitions" na kanyang natanggap, kung saan makikita sa kanyang mga larawan ang paghawak niya sa 'Parangal ng Sining' mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) at dalawang trophies mula sa FAMAS Awards.

Read also

Alex Gonzaga, nagbalik-tanaw sa 'taon ng pagsubok at biyaya' bago mag-2026

Bukod sa kanyang career, naging makulay din ang taon para sa kanyang pamilya. Ibinahagi ni Juday ang saya ng paggawa ng mga bagong alaala kasama ang kanyang mga anak at ang asawang si Ryan Agoncillo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"From creating memories with our kids, being able to travel to two new countries with my husband, THANK YOU!" dagdag pa niya.

Sa pagpasok ng 2026, baon ni Judy Ann ang isang pusong puno ng pasasalamat at pag-asa para sa bayan.

"Facing 2026 with more gratitude in my heart... and HOPE for our country," pagtatapos ng aktres sa kanyang post na umani ng maraming pagbati mula sa kanyang mga loyal na tagahanga.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Judy Ann Santos ay isang Filipina aktres. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga TV drama tulad ng Mara Clara at Ula, Ang Batang Gubat, at mula noon ay naging isa sa mga pinakarespetadong personalidad sa showbiz. Ang mga versatile roles niya ay nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kanyang personal na buhay ay kasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo, isang Filipino actor-host. Sila ay may 3 anak na sina Johanna Louise, Juan Luis, at Juana Luisa. Bukod sa kanyang acting career, kilala rin si Judy Ann sa kanyang galing sa pagluluto.

Read also

Nawalang 'bride-to-be', sumailalim na sa medical assessment

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong November 2025 ay binati ni Judy Ann Santos si Angelica Panganiban sa kaarawan nito, at tinawag siyang "pinakamakulit at pinakamamahal kong baby sis." Ipinahayag ni Judy Ann ang kanyang matinding pagka-miss kay Angelica, gamit ang kanyang viral na post sa social media. Ang Queen of Soap Opera ay nagbigay-diin sa kanilang matibay na sibling-like bond.

Samantalang noong October 2025 naman ay labis na naantig ang puso ng maraming netizens sa post ni Judy Ann Santos. Binati kasi ng aktres ang anak niya na si Lucho sa Instagram. Aniya Juday, proud daw siya na siya ang mommy ni Lucho, na nagpaantig online. Say pa nga ng aktres sa post, "God again delivered one of my greatest wishes."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco